Ngayong gabi, nakatingin sa alapaap

Naghihintay na ika’y muling mayakap

Nananaginip, nananaginip nga ba?

Sana’y magising sa bangungot na kinakaharap

Hindi mawari patuloy na paghikbi

Sa pagmulat nang mata, ako’y iniwang muli.


Oh kay daling sabihin nang mga katagang  iyong binulong saakin.

Bukas pusong tinanggap ang nilahad mong damdamin

Pangakong di lilisanin, pag ibig ay nanamnamin

Ako’y nanalangin na sana’y iyong tuparin

Ngunit paggising sa umaga’y wala ka na sakin.

 

Sana’y di narinig, sanay di dinibdib

Mga salitang kay tamis, biglang naging mapait

Pangakong pagmamahalan unti unting winaglit

Salitang kay bilis binitawan, kay sarap pakinggan kahit walang kasiguraduhan

Unti unting nahulog sa iyong kasinungalingan.

Kasabay ng saya ang bigla mong paglisan

Umasa sa wala ngayon ako’y luhaan.

 

note: untitled, hoping I could get any suggestions para sa title.