Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Totoo pa lang magkakasakit ka talaga ‘pag tinalikuran mo na ‘yong nakagawiang bisyo: sa nakasanayang pagyoyosi at paglaklak ng alak. Aminin na natin na hindi pa rin burado sa ‘ting isipan kung bakit nga ba humantong sa bisyo ang lahat na hinanakit—nanunuot pa rin sa dibdib hanggang ang mga ito’y lumala na.
“It’s been almost four weeks ago when I quit all ‘tagay’ sessions and smoking. As it turns out, I experienced chest pain, got hard cough and I had fever. I didn’t ever call this as chill. Just it was like an escape for me to set aside frustrations and discouragement…”
Kahit marahan ang paghilom ng mga sugat sa loob, hindi pa rin maiwaksi ‘yung mga dahilan at lason na naiwan. Sumasagi pa rin sa isip yaong mga kinikimkim na galit—kinukuyom ang mga palad habang umaambon ang langit. Huwad man ang mga pinapakitang ngiti, ngunit minsan may pagkakataon din naman na may gaan sa pakiramdam, kapag may isang tao na nagbibigay sa ‘yo ng saya—tiyak siguro’y iyun na lang ang pagtutuonan ko ng pansin,
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
ang matutunan kung paano
nga ba sumaya nang lubos
na kailanma’y hindi na
sa iba hahanapin pang muli.
Larawan mula sa Kanlungan