Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paano kung sa ibang panahon tayo nagkakilala?

Paano kung pinagtagpo tayo, eh…

Bago o pagkatapos ng pandemya?

Paano kung malapit tayo sa isa’t isa?

Magkakaroon kaya tayo ng happy ending?

O ganon pa rin yung kahihinatnan nating dalawa.

 

Oo! alam ko naman yung sagot dito,

Pero, paano nga kung…

Pinagtagpo tayo, eh sa mas maayos na panahon

Magiging maayos din kaya, yung sana ay tayo?

Pero siguro nga, sadyang di lang tayo para sa isa’t isa

Hindi nga tayo binigyan ng pagkakataon na magkita diba?

 

Kaya siguro ikaw ang unang bumitaw sa ating dalawa

Kasi ayaw mo ng malayo ang distansya

Kaya siguro naghanap ka ng iba

Kasi malabong mangyari yung tayong dalawa…