Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ko na lubos mabilang
Mga araw na nagdaan
Alam ko lamang ito ay lumipas
Ni isang saglit walang pag-usap

Mata’y tila ba’y may hinahanap
Nagtatanong, at nangungusap

Mali bang ako’y magdamdam?
Kung ako sa iyo’y nasasabik lang naman

Ngunit ngayong araw
Tila ba ay nag-iba
Bumalik tayo na parang gaya lamang sa umpisa

Ako’y napalingon
At ikaw ay tumugon
Tanda ko na lamang
Ikaw ngang muli ito
Ikaw pa rin, Mahal ko

Tuwa ay walang paglagyan
Kahit pa batid kong ito’y panandalian lamang
Sa mga sandaling ito
Isa lamang ang hiling ko
Kung pwede nga lang, wag ng matapos to
Nais ko sanang makita palagi
Magandang tanawin
Ikaw, na nakatitig sakin