Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

kailan ka darateng?

Kailan ka darating?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pwede na ba kita asahan?

Sa tagal Kong nag iisa,  nasa punto na ako ng pagtatampo..

Hinahanap ka nila sakin, inaasahan nilang merung ikaw sa akin.

Sa tuwing ako’y tila pulang gumamela ikaw daw ang dahilan

Mga ngiti nilang pate mata’y kumikinang sa imahinasyon tugma sa akin.

Nauna pa silang sumaya sa isiping tama ako para sayo,

Pumangalawa pa ang pag tataas bangko nilang panalo ka saakin

Ngunit tila yata iba ito sa nararamdaman ko..

May mali ba sa’kin ?

May kulang ba sa’kin?

Anu bang merun sila na wala ako?

Ganda? Napintas kung ako ay tawagin

Talino? Sa bulwagan ng katarungan ang nais kong mamahay

Katawan? Imahe ko’y umaayun sa kapaligirang asul sa tirik na haring araw.

Puso? Sobra sobra  para magkasya ka.

Hindi naman ako naghanap, lumipas na ang maraming taon .. Patuloy akong naghintay sa kusa mong pagdating. pero tila yata..  Ayaw mong dumating..

Nakahiling ka na ba sa bituin?

Gusto ko ng pihitin ang makina ng tadhana baka sakaling dalhin ako sa araw kung Saan dadaan ka at mapapasakin.

Kailan ba? Asan ka?

May gusto Sana akong sabihin..

Maaari ba sa pagdateng mo Wag ka ng aalis..

Maari Bang ako lang? At ako na para sayo.

Maari bang maging kasiyahan mo kahit wala akong ibigay na dahilan para mahalin mo.

Pwede bang maging sapat ako sayo kahit sa araw na kulangin ako.

Pwede ba sa paningin mo nasa’kin na lahat Pate ang puso mo.

Pwede bang piliin  mo  sa mundong mapagkumpara.

Pwede bang manguna sa puso mo sa mundong  mapagkupetensya.

Pwede bang manatiling tamang tao  para sayo, sa mundong sanay sa “mas karapatdapat”

Pwede bang patuloy mong pangarapin, pangako ako’y saiyo’y ganun din.

Malalim na ang Gabi,  at ang mundo’y himbing na rin.

Tila yata kulang pa ang kinang ng mga bituin, para sa tadhana’y makahiling, Naway magtugma ang bituin ng panalangin mo at ng akin baka sakaling tayo na ay pagharapin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required