Tataya ba ko ulit sa pinakapaborito kong sugal
Yug kahit kailan hindi ko pa naranasan manalo
Na sa twing tataya ako panay akong bigay todo
Sa-id lahat-lahat pero never nanalo
Gusto kong maranasan mag-uwi ng kampyonato
Yung ako naman tapos walang kayo
Gusto kong maranasan yung may sariling tropeyo
Yung akin mismo hindi nakikihati sayo.
Tapos bigla kong naisip ang sama-sama ko na
Naghahangad na ko ng ikakasakit ng iba.
Ikaw ang pinaka-worth-it na premyo sa kanila
Yung tipong pati buhay ko handa kong isanla.
Sa tula, tayo yung kahit kailan hindi magtutugma
Sa kanta, yung may magandang linya pero walang nota
Kung ballpen, panulat na walang tinta
Parang silyang kulang sa paa.
Yung pakiramdam na buhay ka pa, pinapatay ka na
Yung puso kong ang bigat-bigat na
Anytime babagsak tapos bibigay ka na.
Yung ibang tao alam ko mas mabigat yung dala
Kasalanan ko bang wala ‘kong ginawa kundi magmahal ng kusa?
Parang gusto ko na lang mawala at maglaho parang bula
Ansarap na lang bumalik sa wala ka pang muwang at pagkabata
Yung ngayon masakit, mamaya hindi na.
Yung madadapa tapos babangon ng kusa
Kaso nasa reyalidad kang hindi ka na pwedeng bumalik
Maggagawa mo na lang namnamin lahat ng sakit at pait
Sana dumating naman yung time na hangin na ulit yung kailangan ko sa paghinga…
at hindi ka na.