Gulong gulo ang puso
Saan ba to patungo?
Diko alam.
Diko alam.
Linya sa Walang Hanggan.
Gusto kong lumaya sa litong isip ko.
Ako ba o sya?
Sarili ko ba o sya?
Sa mahabang panahon,
patuloy na sya ang pinipili
Mapa mahirap o madali.
Paulit ulit na pinipili.
Masakit man at mahapdi.
Sakanya padin nagpapahilom ng hikbi.
Sadya nga bang mahirap akong mahalin?
Sadya nga bang mahirap akong intindihin?
Ngayon.
Bago na ang lahat.
Bago na pati ang akala ko noon ay sapat.
Isang sya na handang kalimutan ang lahat.
Isang sya na handang yakapin ako’t kipit balikat.
Isang sya na kayang tanggapin ang lahat.
Pero bakit parang di sya sapat?
Bakit pakiramdam ko ikaw parin ang lahat.
Kasama ng mga taong tinahak,
Mga ngiti at yakap mo, sadyang nakatatak.
Mga bagay na ginagawa mo, harot at galaw, kasama na ang gaslaw
Diko mawari ang ngiti pag ikaw na ang sumayaw.
Nakakatuwang isipin ang lahat ng ganap ay may hangganan
Hangganan na kailangan nang pag desisyunan.
Sya ba o ako?
Sya na naging buhay ko?
o Sya na handang gawing buhay nya ako?