Paalam muna sa aking pag-alis Ito'y sandali lamang, at ako'y babalik Wag kang maiinip pagka't babalik rin ako Pinanghawakan ang mga salitang ito, subalit... Isang malaking imahinasyon lang pla na akala natin ay katotohanan Iiwan mo pala ako nung mga panahong magulo na Akala ko ika'y magbabalik na tila ba ako'y naghihintay lamang sa hangin nang may pag-asa, Ngunit wala palang magaganap na pagbalik At, hinayaan mo lang akong masaktan ng mag-isa sa iyong pag-alis Nagpaalam ka man lang sana na hindi mo na kayang lumaban pa Sinabi mo sana sa akin na hindi ka na babalik para hindi na nagsasayang ng oras maghintay pa Dahil nang makilala ka, ang buong akala'y hindi mo hahayaang masaktan Ang tanging hiling ko lang naman ay ang makapiling ka habambuhay kahit magulo na Sinabi mo pa na kahit masakit na, mananatili ka pa rin Nangako ka na lalaban ka kahit anong mangyari, masaya man o malungkot Nangako ka pa na hindi ka magiging katulad ng mga nanakit na sa akin At, ayaw mong nakikitang nasasaktan ako Ngunit, bakit? Bakit andali mo lang kalimutan lahat ng masasayang alaala nating dalawa? Bakit hindi pinahalagahan yung mga mahirap na pinagdaanan na parehong nilakbay nang magkasama? Bakit pinangakuan mo ako na babalik ka? Bakit binigyan mo ako ng pag-asa na tila'y imahinasyon lang pala? Paalam na dahil, Lahat ng pinangako ay winasak mo lamang ng isang iglap At, ang iyong pagbalik ay mananatiling isang imahinasyon na akala'y katotohanan