Minsan ka na ba napunta sa sitwasyon na umibig ka, then hindi pa siya ready – at hinintay mo naman sya, and eventually sinabi nya sa’yo na may jowa na daw sya? Ang saklap noh? You allotted all your time, set her as your priority and maintain connection and padaplis na pagsuyo sa kanya habang hinihintay na dumating yung panahon na ready na sya for you – to be in a relationship with you. Tapos, sa iba pala sya magko-commit. Because of that, your expectations trampled, gumuho yung pangarap mo na dapat kasama siya, na para kang sinapak sa mukha emotionally to the extend na bumalik ka na naman sa time na back to zero reality. Too devastating and too unfair, yan mismo ang mararamdaman mo; lalo na kung you already invest a lot of time, effort – sometimes may financial pa. Pero anong magagawa mo? Wala, wala ka ng magagawa kasi nangyari na, at bumulaga na sa’yo ang masakit na katotohanan na this person never appreciated you ever – ni hindi ka naman itinuring na potential someone; and you will never be to her; sa madaling salita – mag-effort ka man o hindi, hindi ka gusto at hindi ka niya magugustuhan. Yan yung tinatawag na “In your face” situation.
I’ve been there, recently, I experienced that same situation kaya naiintindihan kita kapatid. Minsan mapapaisip ka na lang na naghintay ka pala sa wala, nagsayang ka ng emosyon at panahon sa wala. Pero alam mo kapatid, wala ka namang sinayang kasi ikaw ‘yung nagbigay ng kalahat-lahat sa kanya. Sabi nga, “It is better to give than to receive…”. Pero masakit pa rin, kasi nga mahal mo yung tao at masakit ang masaktan ng taong pinakamamahal mo, lalo na kung ganito ginawa sa’yo. Minsan mapapatanong ka na lang din kung worth it pa ba ang mag-hintay, lalo na kung tumatanda ka na sa kakahintay sa wala. Mahirap ang maghintay, lalo na kung wala ka namang nahintay – o kaya naman hindi niya alam na hinihintay mo sya. O kaya naman alam nyang hinihintay mo sya pero wala lang sa kanya ‘yung paghihintay mo kasi di ka naman nya gusto.
Hindi madaling maghintay, pero masaya kung alam mong may hinihintay ka. Pero masakit kung mauuwi sa wala ang paghihintay mo. Kailangan mo na maging handa kasi pwede ka naman kasi sa totoo lang na pumili kung hihintayin mo hindi ang isang tao – kahit na gaano mo kamahal ang isang tao, may pagkakataon ka pa rin pumili. Pero gaya nga ng sinasabi ng iba, kasama yan sa proseso ang masaktan kapag umibig ka. Love can either make you or break you. Minsan, hindi mo namamalayan na ikaw pala ang muling bumuo sa kanya para maging handa siya sa iba, at siya naman ang bumuo sa’yo para sa huli ay muling basagin niya.
Ang tanong ay heto, Is it still worth it to wait for the person na mahal mo na maging ready siya? Dalawa lang kasagutan nyan, pwedeng YES, at pwede ring NO.
YES, kung ang sinabi nyang dahilan ay nakikita sa buhay nya at kilos nya. Kunyari, di pa sya ready to be in a serious relationship; dapat makita mo sa kanya na hindi siya connected sa ibang guys – na hindi lang siya sayo hindi connected. Tapos, wala kang makikita na may specific person sya na laging kasama. At kahit paano, sumasama sya sa’yo – di yung sayo lang siya hindi sumasama. YES kung she still show you na in the end, she will entertain you again after ng time na pinangako nya – kung may binitawan sya sa’yo. To sum up, YES kung totoo siya sa’yo, at pinaparamdam niya sa’yo na mahalaga ka sa kanya at totoo siya sa binitawan niya sa’yo – ika nga may respeto pa.
NO naman kung sa’yo lang siya hindi ready. Kung lahat ng sinabi niya na dahilan ay taliwas kung paano ang buhay niya, ang kilos niya at kung paano ka niya pakitunguhan. Kung iniiwasan ka niya. At syempre, kung mag-commit siya sa iba. To sum up, NO kung nakikita mo na paraan lang niya yun ng pag-reject sa’yo (basted) na hindi ka masyadong masasaktan – parang binasted ka na, pinaasa ka pa indirectly.
Mahirap noh, pero nasa ‘yo pa rin ang pagpapasya kung handa kang hintayin siya at kung handa kang itigil at mag-move on na lang. Kasama sa proseso yan pag umiibig ka. Pero tandaan mo, huwag na huwag mong kalilimutan ang sarili mo sa pagdedesisyon mo. Gamitin din ang utak, di lang ang puso. Kung alam mo na mako-compromise ang self-worth mo at self-respect mo sa paghihintay mo, alam mo na – bitaw na. Kung pinahahalagahan ka nya, kapit lang sa paghihintay. Pero higit sa lahat, bago magpasya, pray ka muna kay God. Ask for wisdom and the right perspective, kasi you are taking a risk sa gagawin mo. Been there, done that. I actually lost myself in the process. Unti unti ko pa lang na-aayos ang lahat kaya maniwala ka, pwede mong ikabasag yan.
In my closing remarks, kung worth it ang maghintay? Oo, worth it pa rin ang maghintay, kahit minsan ay nauuwi sa wala ang paghihintay. Mahal mo eh. Pero tandaan, pilitin mo na bumangon, para sa sarili mo, at hindi sa kanya. Isipin mo na lang, na siya ang nawalan, at hindi ikaw.
May kanya kanya pa rin tayong timing kasi si God ang maglalagay sa’yo sa tamang panahon at magpapakilala sa tamang tao para sa’yo. Kung wala naman tamang tao para sa’yo, siguradong pupunuin ka pa rin ni God ng pagmamahal na di kayang punan ng kahit na sino – kahit sino sa mga minahal at nanakit sa’yo dati.
Uulitin ko ulet, in Ecclesiastes 3:11 – He has made everything beautiful in its time. He has also set eternity in the human heart; yet no one can fathom what God has done from beginning to end.
Kung nasa ganitong sitwasyon ka, kapit ka lang kay God, malalampasan mo din yan – huwag mo lang madaliin.Take time to heal, masakit-sakit eto, pwede kang makaramdam ng pagkadala sa pag-ibig.
Tandaan, hindi bagong pag-ibig ang sagot sa sakit na dulot ng pag-ibig, si God ang sagot.