Palaging masakit ang paglisan, lalo pa’t alam mong walang balikan,
Walang magbabalik, sapagkat wala namang nang iwan
Magulo ba? Ganun talaga pala pag-nahulog na walang binagsakan
Nagpalutang-lutang lang naman bakit nasaktan
Nasaktan ka dahil umasa ka
Lumikha ka ng mundong kasama siya
Pero ikaw lang pala itong umasa
Paano inakala ko talagang natagpuan ko na siya
Sino ang hindi aasa, sa masugid mong pagbati
Sino ang hindi umasa sa mga katagang “sana ikaw’y nasa mabuti”
Bigla akong napaisip ako pala ang mali
Sa mga imahinasyong sa isip itinahi
Pero sa bigla mong pag-iwas
Ayaw ng isip na sa mga imaheng nabuo sa isipan ay tumakas
Ang puso ay nagpipilit makalabas
Tila nawawalan na ng lakas
Sa ngayon hahayaan kung madama ang sakit
At intindihing may mga bagay na dapat di pinipilit
At sa paghihintay, sa Maykapal mas mapalapit
Sa Kanya na aasa at kakapit
Kaya sa iyong paglisan
Salamat sa aral na iyong iniwan
Ang mundo nating dalawa ay lilisanin na ng tuluyan
Paalam sino ka man.