Paano kung

Paano kung wala akong bisyo?

Paano kung hindi ako nagkakamali?

Paano kung hindi ako nagsawa?

Paano kung hindi ako napagod?

Paano kung hindi ko iginugol ang lahat sa mga gusto mong mangyari para sa akin?

Paano kung perpekto na lang ako?

Paano kung nagkatuluyan tayo?

Paano kung nagkabalikan tayo?

Paano kung may iba ka na?

Paano kung wala ka na?

Paano kung ako na lang ang natira?

Paano kung ako na lang ang natitirang umaasa?

Paano kung ikaw pa rin ang sigaw ng puso?

Paano bang limutin ka?

Paano bang mag-isa?

Paano bang magmahal?

Paano bang mabuhay?

Ilan lang yan sa mga katanungan ng puso sa isipang hindi rin mawari kung ano ang gagawin.

Paano kung gagawin ulit?

Paano kung haharapin ang bukas ng mag-isa?

Paano kung maghintay o paano kung hindi umasa?

Paano kung umalis sa nakaraan?

Paano kung hindi ibigay ang lahat kapag nagmamahal na?

Paano kung magtira sa sarili kapag ang isa’y alis na alis na?

Paano kung hindi mahirapan?

Paano kung magsimula ulit.

Published
Categorized as Waiting

By Jalm

“Hayaan mo munang isulat kita, bago kita tuluyang isuko.” “Hanggang kailan mo hindi mamahalin ang taong walang ginawa kundi mahalin ka?” “Bago ka sumuko, subukan mo muna. wala namang masamang sumubok sa mga pagkakataong magmamahal.” “Mahirap magsimula kung dulo ang sisimulan. Hindi laging nasusunod ang mga kasabihan kaya subukan mo.”Ilan lamang yan sa mga naisulat nyang salita.Nagsusulat sya bilang isa sa mga nakararanas ng sakit at nagdadala ng sakit ng iba. Nagsusulat rin sya bilang isa sa mga nakakaranas ng saya.Kaya dalawang mukha ng Pag-ibig ang pamagat dahil sa paborito nya ang bandang Sugarfree, Rivermaya at ang mga tumiwalag sa banda na pawang mga bokalista na sina Ebe Dancel, Rico Blanco at Francisco “Bamboo” Mañalac at hindi rin maikakaila na ang mga isinulat nya ay ukol sa masaya at malungkot sa dala ng pag-ibig.Talagang nagdirigma para sa pag-ibig. Talagang tipong “World within the world” ang hilig nya dahil sadyang mapagmahal sya.siya si Jalm /dyam/ , isang 22-anyos na lalaking may hilig sa patagong pagsulat. Isa syang graduate ng Batsilyer sa Komunikasyong Pangmasa.Isa sya sa mga nangongolekta ng mga award sa pang-akademikong aspeto at iba pa noon at ngayo'y nagtatrabaho sa pamantasan na kanyang pinasukan noong kolehiyo.Kaunti lamang ang nakakaalam ng mga isinusulat niya.Mahilig siya sa pagbabasa minsan, sa potograpiya, pag-eedit, bidyograpiya at syempre hindi sya sumusuko na maging guro.Hindi sya palatawa. Tahimik siya. Ngunit kapag siya'y nakilala mo sa personal, tunay syang masaya at nakangiting kikilala sa iyo.Marami lang syang hinaing sa buhay. Marami syang pasakit. Hindi nya ipapakita ito sa personal ng gasyano ngunit kung papansinin, talagang masaya ang makikita mo sa kanya.Nafeature noong 2016 sa betsin-art parasite ang kanyang isinulat na “Tiwala Patungo Sayo”

Exit mobile version