Paano mag move on… ang isang guro? (guro edition)

 

“Paano ba mag move on?”

Sa taong katulad kong hindi lang yun ang kailangang gawin, sa mga taong hindi lang yun ang dapat isipin.

Sa taong imbes umiiyak na lang sa mga oras na yun e mas pinipili pang gumawa ng Lesson Plan.

Sa taong akala ng iba naka-heart vest, hindi pwedeng masaktan, hindi pwedeng “ma-heart broken” kasi pag nangyari yun, apektado ang madlang people.

Di alam ng iba kung gaano kasakit, yung kulang pa yung salitang “masakit” para masabi mo kung gaano kahirap yung pinagdadaanan mo o napagdaanan mo.

Kaya ito, nakaisip ng ideya, kung pano nga ba? pano ba nakakapag-moved on o nagmo-move on ang isang guro? sige na nga, Pano ba ko nakapag moved on?

 

Pang zero. Iiyak mo muna.

Iiyak mo lahat. Yung tipong magigising yung nanay mo. Ilabas mo lahat, pagkatapos nun.. tama na. Mahahalata agad ng mga estudyante mo yang namamaga mong mga mata. Iiyak mo ng mga around 7-9 pm , tapos mag facial mask ka, haha pagkatapos nun,tulog na. Maaga ka pang magtuturo bukas.

 

Una, itutuon ang atensyon sa mga paper works.

Ayan sige checkan mo na lang ang mga tamang sagot ng mga estudyante mo kesa isipin mo kung ano nga ba ang sagot sa tanong na bakit mali yung taong pinili mo o kung may mali ba sayo kaya di ka nya pinili.

 

Pangalawa, O.T. pa more.

Kung ako sayo bes i-over time mo na lang yan, ayaw mo nun? mas mababawasan yung work mo kinabukasan at mababawasan din yung time mo para umiyak sa kwarto mo na may kasamang pang mga senti songs. Wala mang bayad ang over time ng mga guro, mas ok na yun, Bakit? May bayad ba yung pag iyak mo sa taong di ka kayang pahalagahan?

 

Pangatlo, I-block mo siya.

Seryoso. Iblock mo sya. MUNA. (sama mo na rin yung mga estudyante mong laging nagtatanong tungkol sa love life mo 😀 lol, joke haha) pero para sakin nakatulong, ewan ko sa inyo, kung gusto nyo itry haha balakayodyan. Block mo muna sya. sa fb or sa buhay mo, parehas. Focus muna sa Lesson Plan. Focus muna sa mga estudyante. Focus muna kay God.Hindi porket blinock mo, bitter ka, that means you’re so strong para di na makita mga posts nya at mga convo nyong dalawa. Gawin mo muna para sa sarili mo.

 

Pang Apat, Magpahinga ka naman.

Give yourself a little break. Syempre importante na matapos mo lahat ng chine-checkan mo kaya magoovertime ka, pero sa sitwasyon mo baka mabasa lang ng luha ang mga testpapers na estudyante mo. Di ka rin makakafocus so instead, magliwaliw ka muna. Kumain ng comfort food or pumunta sa place na di mo muna sya maiisip. kahit ba sa park lang yan or anywhere.

Pang lima. Tanggapin mo na.

Sabi ng iba, dapat ito ang una mong gawin. Matanggap yung katotohanan, na wala na kayo, walang naging kayo at walang kayo dahil may “sila”. Pero maniwala ka, yan ang pinakamahirap gawin. Magiging bitter ka talaga sa una, pero unti unti, makukuha din ng sistema mo. Gaya ng pagtanggap ng mga estudyante mong pagkatapos nilang magreview ng 4 chapters para sa quiz mo, eh konti lang pala lalabas, haha, saklap diba.

Pang anim. Hindi ka tindera, pero magpatawad ka. (ang corny,pasensya)

Oras na. para ikaw naman ang sumaya. Pero paano mo gagawin yun kung laging yung sakit yung naalala mo? Masakit talaga yan, nagmahal ka eh, pero mas masakit kapag di mo palalayain yung sarili mo.Gaya ng pagturo natin sa mga estudyante kung pano magpatawad. Wag ka ring masyadong magdepende sa “time heals” kasi minsan napre-preserved lang nyan yung sakit. Wag mong hahayaan na oras ang magpagaling sayo. Ipagdasal mo. God heals. He will always be there for you. I-surrender mo lang lahat sa kanya. Lahat ng mga nararanasan mong mga pain at struggles, ay part ng special plan nya for you. Just Trust Him.

Pang-pito, Maging Masaya.

Alam kong mahirap, pero kung titingnan mo lang, Maybe You just really need to realize na marami pang bagay na mapagkukuhanan mo ng happiness.. Hindi lang sya.. Siguro It’s time for you na mas ma-appreciate yung mga taong laging nandyan para sayo. Like your students.. Di lang minsan gumagawa ng mga assignments yang mga yan, pero Mahal ka niyan. Pinapagalitan mo at nasesermonan pero at the end of the day, nandyan pa rin sila para sayo. Kaya sila yung gawin mong motivation para maging malakas. At minsan, di ka lang aware, pero ikaw din yung nakakapagpalakas sa kanila sa everyday struggles na meron sila…

Ilan lang yan sa madaming pwedeng gawin, pero nasa sayo pa rin yan. kung gusto mo na talagang maka- move on and let go from all the pain. Pero alam kong kaya mo, nakaya mo nga lahat ng mga demo lessons at mga biglaang observations.. Yan pa kaya :)? Magtiwala ka lang kay God and hold on into His promises. Wait for His perfect timing. And surely, mawawala din lahat ng sakit. In His time..

 

Exit mobile version