“Parang awa mo na”

Sa una lang naman masaya

Sa huli nakakapagod na

Tama na, Tama na parang awa mo na

Gusto ko ng magpahinga ng di ka kasama

Masakit isipin na minahal kita ng sobra

Pero Tama na

Sa oras na lumayo na ako

Please lang pagbigyan mo

Hindi ko na kailangan lahat ng payo mo

Lalo na kung sobrang sakit nito

 

Malas ko lang ikaw nakilala ko

Dahil hirap na ako sumuko, bumangon kahit alam ko sa sarili ko “hirap ng magsimula”

Akalain mo yun! Minahal kita

Umabot tayo sa ganito

Sa puntong Ikaw at Ako

Hanggang sa “ako, hanggang dito lang tayo”

Isipin mo noong simula

Walang iba kundi ikaw

Sa harap ng salamin,

Masaya at nakangiti.

Sa paggising araw-araw,

Akala ko ikaw.

 

Napunta sa walang awa

Na pusong nilalanta

Mga luhang natuyo

Dahil tayo mismo nagtatalo

 

Kaya, Parang awa mo na

Gusto ko ng magsimula

Baguhin ang lahat simula umpisa

Dahil nakilala lang kita sa wala.

 

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version