Padayon

Taksil ang mga gabi. Ipinapalala palagi sakin nito ang paulit ulit na pait at sakit ng mga masasayang sandali na kahit kailan ay di na maaari pang maulit.
Ipaparamdam sakin ang lamig ng pag-iisa at wala na kong magagawa kundi damhin dahil naiwan na ko at hindi mo na ko nais pang makasama.
Samantalang ikaw, patungo ka na sa lugar na ikaw lang ang may alam at ako? Ako ay mananatili kung mo iniwanan at sa nais na sumunod sayo, ako ay naligaw na ng landas at sa paghakbang ko palapit ay naranasan ko ang unang pagkadapa na agad magkakaroon ng sugat, hindi nga nagdugo pero wala kong awat sa pag punas. Hindi ng mga tuhod na nadumihan kundi ng mga matang ayaw tumahan.
Muli akong tumayo dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko.
Sa kalagitnaan ng kawalan na tila wala kong makita na daan ay dala dala ko at ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang dahil di ko alam kung saan ang aking patutunguhan. Payapa kong naiisip na sana ay lisanin na lang ang lahat sa aking kinaroroonan nang biglaan. Walang sakit, walang kirot at biglang mamanhid na lang ang bawat sugat na iniwanan mo pero dahil sa takot kong di mapunta sa langit ay susubukan ko pang labanan at wag tuluyang magpalamon sa kaisipan na ang nais ay mawala na lang ako ng tuluyan.
Ilang gabi pa kaya ang magtataksil sa akin? Ilang tulog pa kaya ang aking di dadanasin? Ilang kanta pa ba ang magpapaalala ng sakit at ako ay paluluhain?
Gaano pa ba katagal ang aabutin ng mga gabing di ako patutulugin?
Kahit ganto nararanasan ko di ko maipagkakaila na masaya din naman ako para sayo. Magiging masaya na lang ako pero patawarin mo ako kung matatagalan pa ang mga pang aabala ko at pangungulit. Patawarin mo ako kung hindi ko pa kaya na hindi ka mahalin at umasang bumalik ka sakin ulit. Patawad, mahal.

Exit mobile version