Minsan sa bawat pahina na natatapos naiiwan ang bahagi na ating pagkatao. Akala kasi natin ay hindi magbabago at mananatili ang mga tao. Pero nakalimutan natin na ang tangi lamang totoo sa mundo ay ang salitang “pagbabago” Totoo nga ba na nawawala ang nararamdaman o mas madaling sabihin na natatabunan na lamang ito. Ngunit patuloy na nariyan pa rin sa ating mga puso. Hindi naman basta basta mawawala ito. Kung kaya’t may mga taong umaasa pa rin kahit wala na. May mga tao kasi na palaging nais ay agarang kasagutan sa lahat ng tanong nila. Gusto nila na may sagot para sila ay makawala sa sakit. Mas okay sa kanila na malaman ang totoo upang makahakbang. Paano kung sa pagmamadali mong makuha ang sagot, ikaw ay nakasakit at nakapagdadag pa ng mas maraming sakit. Dulot ay panghabambuhay na pagkawala ng taong ito sa iyong buhay? Minsan hindi kailangan ng sagot para humakbang palayo. Hayaan mo na ang tadhana at panahon ang magtakda. Hindi man ngayon pero may tamang panahon para sa lahat.
Minsan hindi kailangan ng sagot para humakbang palayo
Kailan ba natin masasabi na tapos na ang lahat?