Paglaya

Ngayon, sisikapin kong buohin ang sariling nadurog kahapon. Magtitimpi sa ingay ng nagdadabog na kalangitan—hihinahon pasamantala habang tinatapos ko ang musikang pinapakinggan. Lilisan din ‘tong mga kaluluwang ayaw akong patulogin sa gabi—sa mapaglaro nilang anyo at mga bulong sa bawat sulok ng aking silid.

Batid kong may wakas bawat sakit buhat ng mapag-iwanan.

Magsisimula ako ulit kahit pa sa una’y buhol-buhol ang isip. At sa parang hindi pag-sang-ayon ng lahat, basta’t ayaw ko na maging manhid o ang mabulok sa ‘king silid.

Larawan mula sa Balintataw Photography

Exit mobile version