Pangarap: A Reverse Poetry

Kahirapan ng bansang ito

ang tatapos sa

Mga pangarap ko at ng mga kabataang Pilipino

Ang katuparan ng

Mga hangarin ko sa buhay

Maaaring mahadlangan ng kahirapan

Hindi

Magkakaroon ng trabahong marangal

At makakatapos sa pagaaral

Sa kabila ng pagpapagal

Ng aking mga magulang

Para sa magandang buhay

Na hinahangad

Ang hinaharap:

Nauuhaw, ni nagugutom man

Hindi

Maayos ang tirahan

O walang magagawa

Dahil mahirap lang

Di sapat na dahilan ang

Mga pangarap

Upang di pansinin ang hirap na makamit ang

Magandang bukas

Ngunit nagpursigi akong tanawin ang

Magandang bukas

Upang di pansinin ang hirap na makamit ang

Mga pangarap

Di sapat na dahilan ang

Dahil mahirap lang

O walang magagawa

Maayos na tirahan

Hindi

Nauuhaw, ni nagugutom man

Ang hiraharap

Na hinahangad

Para sa magandang buhay

Ng aking mga magulang

Sa kabila ng pagpapagal

At makakatapos sa pagaaral

Magkakaroon ng trabahong marangal

Hindi

Maaaring mahadlangan ng kahirapan

Mga hangarin ko sa buhay

Ang katuparan ng

Mga pangarap ko at ng mga kabataang Pilipino

ang tatapos sa

Kahirapan ng bansang ito

Exit mobile version