Naa-alala mo pa ba yung mga panahong pauli-ulit mo siyang pinili? Ang unang tagpuan? Kung saan pinili mo siyang mahalin.
Minahal mo lahat sa kaniya. Ang unang ngiti, tawa, at ang unang titig sa mukha niya. Minahal mo ang buong pagka-tao niya. Ngunit habang tumata-tagal unti-unting nag-bago, mas nakilala mo siya. Nakita mo lahat ng mga pagku-kulang sa kanya.
Dumaan ang mga araw at buwan, hindi mo kinaya. Inilaban mo ngunit na-pagod ka. Hindi ka nag-pahinga, sumuko ka. Pinili mong lumisan.
Sa kabilang banda, ang taong iyong iniwan ay nakita din lahat ng pagku-kulang mo. Ngunit mas pinili niyang manatili, hintayin na ma-buo ka sa taong gusto niya. Hindi nangyari, ngunit siya ay nanatili. Minahal ka niya at ang lahat ng pagku-kulang mo. Minahal niya ang buong ikaw.
Dalawang tao na piniling mag-mahal sa umpisa ngunit hindi naging mag-katulad ng pinili sa dulo. Walang “sila” sa salitang dulo.
Ngunit masisi mo ba ang nang-iwan kung mas pinili niyang mas mahalin ang kaniyang sarili? At hanapin ang taong mas makakapag-bigay ng buong kasiyahan sa kanya? Masisisi mo ba siya kung mas pinili niyang lumayo sa magulong mundo? Na-pagod sa paulit-ulit na sakitan mula sa mga pagku-kulang?
Sa buhay laging may pag-pili, laging may pagpi-pilian. Masakit, pero hindi ka laging pi-piliin.
Masakit sa umpisa pero gusto kong ipa-alala na “Mahalin mo ang sarili mo, masakit pero makaka-bangon ka. Huwag kang ma-lugmok sa taong hindi ka pinili. Piliin mo ang iyong sarili tulad ng pag-pili niya sa sarili niya. Pinili niyang ang maging masaya. Hindi ka man masaya ngayon, darating ang araw na magpapa-salamat ka sa Itaas na hindi ka niya pinili, na na-hanap mo ang iyong sarili at kung ano ang para sa iyo. Darating ang araw na ikaw naman ang sa-saya, hindi ngayon o bukas ngunit alam ko malapit na. Huwag kang mag-madali hayaan mong gamitin ng Panginoon ang lahat ng sakit upang ikaw ay mas mapa-buti, mag-tiwala ka.”