Paubaya sa Kanya

Puro sakit sa puso ang iyong dala
Iyong mga nakaraan pilit inaalala
Bumalik lang siya, naguguluhan ka na
Kailan mo ba makikita ang aking halaga

Sa tuwing babanggitin ang iyong pangalan
Siya agad ang iyong katambalan
Di na kayo nakaalis sa inyong nakaraan
Kaya ang mga taong dapat nasa buhay niyo nasasaktan

Pero sino nga ba ako para diktahan
Ang iyong narararamdaman
Kaibigan, Oo kaibigan mo lang naman
Na laging andyan tuwing ikaw ay may kailangan

Pero ngayon ako’y na pagod na
Sa kakaisip kung meron nga ba tayong dalawa
Kasi diba iyon ang iyong pinapakita
Na ako naging mahalaga, na higit sa kaibigan pa

Di ko naman lahat sinisisi sa iyo
Kasi baka assumera lang pala ako
Pero alam mo kasi yun, di naman ako engot dahil ramdam ko
Ang mga palidpad hangin at titig mo

Kaya ako eto!
Gumagawa nanaman ng tula para sayo
At siguro huli na nga ito
Dahil pagod na ako at mabuti pang isuko nalang ito ng buo

Paglilingkod sa Diyos, Trabaho at Pamilya
Yun naman dapat talaga ang unahin ko diba
Kaya eto pipiliin kong si Hesus maging masaya
Na walang kahati sa atensyon at puso ko na iba

Alam kong dadating din ang panahon
Na ako’y iibig at iibigin,
Kaya simula ngayon,                        Ipapaubaya  ko na lahat sa Kanya
Kahit di man tayo ang itinadhana ng Panginoon
Dalangin ko na ika’y maging matapat sa paglilikod at di muling madadala sa emosyon

Maraming salamat sa aral na iyong dala
Salamat sa mga alaala
Ma-ikwekwento ko din na ako’y naging masaya
Dadating din na tatawanan ko nalang dahil pinili ko kung ano ang tama

Exit mobile version