“PUHON”

Kamusta ka na?
Yan ang paunang bati nating dalawa,
Tuwing alas dos ng umaga;
Pag magkayakap na ang gabi at umaga,
Ito ang pagkakataon na kung saan ay nagtatagpo ang mahiwaga

Gusto kong isulat sa tubig, ang aking pag-ibig; dahil alam kong walang salita, walang
akda, o anumang letra ang makakapag pahayag ng nararamdaman ko para sayo.

Hindi sapat ang mga katagang mahal kita,
Para mailahad ang tunay na nararamdaman; Ibubulong ko na lamang sa hangin, ang lahat ng hinaing, ang lahat ng sana at baka, ang mga ilusyong ikaw, at ako ay magkakaroon rin ng tayo sa dulo.

Sabi nga nila, “huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo” ngunit bakit ganito? Minahal kita, pero inaasam asam kong mahalin mo rin ako;
Alam kong kaibigan lang ako, pero sa pagkakataong ito, aaminin ko na.

Sabi nila, na ang bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran; kaya’t aaminin ko na, kahit manlang sa aking sarili, na minamahal kita.

Oo, naging duwag ako, nagbulag bulagan ako, pinilit kong iwasan, pinilit kong pigilan ang aking nraramdaman, ngunit ito, ang hangin, dinala pa rin ako pabalik sayo.

Na kahit ilang tao pa ang dumaan sa landas ko, ikaw at ikaw parin ang hinahanap ko. Na kahit sinasabi nila sa akin na mas maraming mas karapat dapat para sayo,
Nandito ako.

Naaalala ko, ang kasabihang, Ang katotohanan ang magpapalaya sa may kasalanan, ngunit kasalanan nga bang magmahal ng hindi mo nalalaman?

Pasensya na, kung ako’y punong puno ng takot at pag puna sa sarili, na kung sakali mang malaman mo na ikaw ay minamahal ko, ay natatakot ako na baka ako ay iwasan mo, at ang lahat ay mag bago.

Alam mo ba?
Ikaw ang aking pahinga, sa mundong napakaingay, sa mundong napakagulo, ikaw ang pahinga ko.
Salamat, Kahit kailan hinding hindi ka lumayo, noong ako’y unting unting sumusuko, sa tuwing natatakot ako,
Hahawakan mo ang aking kamay, at sasabhing, Sabay tayong mag lalakbay; lagi mong tatandaan na kahit ang pinaka mataas na bituin, ay ating sabay na aabutin.

Mahal, kita. Yan ang salitang hindi ko na mapagkakaila, na kahit ilang tao pa ang dumating, ilang bagyo pa ang ating harapin, hinding hindi mag babago ang pag tingin ko para sayo.
Alam kong hndi ko kontrolado ang mga sitwasyon at panahon, ngunit ipinagdarasal ko sa Panginoon, na sana pagdating ng panahon, ay magtatagpo rin tayo sa parehong direksyon.
Pinapangako ko, na kahit anong man ang mangyari, may ikaw man at ako sa dulo,
Sa dinami rami ng tao sa mundo, ay ikaw, at ikaw lamang ang pipiliin ko araw araw.

Exit mobile version