“KAIBIGAN?”

Kaibigan, Walong letra, isang salita Sumisibolo ng sampung numerong maglalahad ng nararamdaman ko para sa’yo.
Isa, Umaasa, heto nanaman tayo, teka sandali wala pa lang tayo; pasensya na kung nalilito ako, magkaiba pala ang katotohanan sa mga pantasya ko;
Dalawa, Kaibigan lang pala, tatlong salitang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko; patawad dahil naiisip kong posibleng magkaroon ng tayo
Tatlo, Paano? Saan? At kailan nga ba nagsimulang mahulog sa’yo? Hindi ko ito plinano, kapag nandyan ka lumulundag ang puso ko paano ba maging kalmado?
Apat, Kailan ba magiging sapat? Gusto ko ng sabihin sa’yo ang lahat, gusto ko ng ipagtapat; pero tingin ko’y hindi na kailangan, dahil may iba ka ng nagustuhan
Lima, Bakit ba mas nauna siya? Wag kang mag-alala wala naman akong balak na makipagkumpetensya sa kanya, alam ko namang wala akong laban sa kanya dahil sa una pa lamang ay kanya ka na;
Anim, Masyado na kong nagiging sakim, posible bang ikaw ay aking hiramin? Kung susubukan ko bang umamin, ako ay iyong papansinin?
Pito, Nalilito na ako, kaibigan lang ba talaga ako para sa’yo? Sa dami ng lalaking dumaan sa buhay ko, napuno ng takot ang puso ko; ngunit ito, sinusubukan ko
Walo, Ano nga bang mayroon sa’yo? Na kahit anong pigil ko, ikaw parin ang laman ng puso’t isip ko, kusang lumalabas ang nararamdaman ko; Siyam, Talaga bang wala kang alam? O sadyang nagbubulag bulagan ka lang? Alam kong hndi ka manhid, wag ka ng magpanggap na hindi mo alam; sa bawat sulyap, bawat titig sa iyong mga mata, nakakaramdam ako ng saya, na kahit alam kong may iba, ako’y kuntento na, basta’t masaya ka;
Sampu, Bakit ang labo? Bakit pa nga ba tayo pinagtagpo? Posible nga bang na ang kaibigan na katulad ko, ay magustuhan mo? Yan  ang mga salitang paulit ulit na tumakbo sa isip ko; Kaya’t Patawad, kung nag hangad pa ko ng may ikaw at ako sa dulo, patawad. Paniguradong siya ang pipiliin mo dahil sino nga ba naman ako? Kaibigan mo lang naman ako, natatakbuhan kung ako ay iyong kailangan, nasasabihan ng kahit ano, kayang gawin ang lahat para sa’yo, tinatawanan at sinasakyan ang mga kabaliwan mo, hanggang sa huli, ito ang tanong ko, ano nga ba ako sayo? Babaliwalain ko nalang ang nararamdaman ko, dahil sabi nga sa kanta, oo nga pala, hindi nga pala tayo, hanggang dito lang pala ako, palihim na nag-aalala sayo, palihim na nagmamahal sayo, at kailanman, hinding hindi magiging sayo.
 
Exit mobile version