Pusong naguguluhan, kaibigan o ka-ibigan?

Alamin mo ang pagkakaiba ng pakikipagrelasyon sa paghahanap ng atensyon!

May point ba sa buhay mo na parang gusto mo na magkajowa tapos biglang “ay di pa pala ako ready” kapag may nagparamdam, may nireto at may nanligaw na sayo?

Yung tipong pinagtagpo lang tayo di tinadhana , mapapa “it’s not you it’s me” ka na lang, o hahanapin ko muna ang sarili ko.

Baka kadalasan kaya puro parang maling tao o sa tingin mo di pa tama ang panahon kasi hindi ka naman talaga naghahanap ng karelasyon kundi gusto mo lang ng atensyon.

Gusto mo lang makasalamuha ng ibang tao, ibang ugali, ibang pananaw sa buhay kung saan gusto mo lang may matutunan sa buhay, kausap kapag walang kumakausap sayo, magpapa-alala , mag-aalaga, mangangamusta, makakabiruan at makakasabay sa trip mo.

Yung taong gusto mong makakwentuhan pero wala kang pananagutan.

Yung taong gusto mo makausap paminsan minsan, pero nagsasawa ka na sa pangmatagalan.

Gusto mo ng “something new” kasi ang bilis mo magsawa. Kaumay naman o ang boring naman.

Mag isip-isip ka kung ano talaga ang gusto o hanap mo sa buhay kasi baka naghahanap ka lang ng atensyon ng isang kaibigan sa halip na isang taong makakarelasyon o makakasama mo pang habang buhay.

By Gretcel Celis

"Gretty" kasi Witty daw ako

Leave a comment

Exit mobile version