Pwedeng Magpahinga

Pwedeng magpahinga
Tumigil sandali at huminga
Humiga at tumingala sa mga tala
Alalahanin kung paano pinagpala

Pwedeng magpahinga
Sa mundong nakakapagod
Sayo Panginoon ay luluhod
Para maramdaman ang pagtapik mo sa aking likod

Sa presensya na kung saan
May masusumpungan at masusumbungan
At masasabing dito ang tunay na kapahingahan.

✍Claydine Llante

 

#Sundaythoughts

 

 

Exit mobile version