Sana Bukas

Sana bukas ay hindi nako mag alinlangan
sa mga bagay na dapat at sa mga bagay na kailangan
sa mga bagay na di wasto at dapat nang tigilan
sa mga bagay na ginusto ngunit dapat nang pigilan

Sana bukas ay hindi na ako mangamba
sa ibat-ibang opinyon at sa mga sasabihin nila
sa buhay ay may totoo at sinungaling, punong puno ng panghuhusga
ngunit di ito ukol kung saan ka nangaling,kundi kung saan ka papunta

Sana bukas ay, hindi na ako susuko
sa damdaming inilihim, na sa dibdib ay itinago
sa bawat pintig ng puso na sa kanya ay nagtuturo
na ang pag-ibig ng kahapon, kailanma’y hindi naglaho

Ito ay liham ni Ngayon, isinulat para kay Bukas
nang ang mga aral ni Kahapon ay, manatili at wag kumupas
ito ay hiling ng pagkakataon, na dasal ang syang kabakas
na ang mga SANA’ng itoy, maging tiyak pagdating ng bukas.

Exit mobile version