Sana Pareho Tayo

Sana katulad mo ako, yung kaya ko rin saktan ka ng paulit-ulit na walang pakialam sa sakit na nararamadaman mo.

Yung kaya ko agad magreplace ng tao sa buhay ko kapag ayaw ko na.

Yung kaya ko rin magmahal ng iba kahit may mahal na akong isa.

Sana kaya ko rin tumawa kahit may nasasaktan akong iba.

Sana kaya ko rin magsinungaling at mapaniwala na mahal kita.

Sana selfish din ako katulad mo. Sana dumating ang araw na ikaw naman ang magsasabi ng ganito.

Exit mobile version