Simula at Wakas

Eto ay sa pagitan ng Simula at Wakas,

o ng Wakas at Simula:

 

Alin ba ang dapat ang mauna?

Alin ang mas may importansya?

Alin sa dalawa ang masaya?

Alin sa dalawa ang di kaaya aya?

 

Waring sa pag gawa netong katha,

di parin alam ang dapat igawa.

Maraming tanong ang inihinuha,

oh hanggang kailan ba kita makukuha.

 

Sa isang buhay na ipinagkaloob,

labis na pasasalamat ang sinisasaloob.

Pagsubok na di mabilang,

Kailan may di malilimutan.

Baon ay pag-asa at aral,

Na kailan man ay aking ikinarangal.

 

Minsan may ikalawang buhay na di ipinagkait,

tanong sa sarili ay bakit?

Mga aparatong nakadikit,

mga gamot na ipinipilit,

sugat na inukit,

at hanggang sa pag hilom ng sakit.

Ito ay ilan lamang sa mga nakamit.

 

Ngunit may isang bagay na kailan may di malilimutan

Isang pag ibig na masyang sinimulan

pero pait at sakit ang nakamtan.

Tanong sa sarili’y kailan? Paano? at saan nag kulang?

Dahil nais ayusin ang sariling nalutang.

Nag bigay ng paalam na nais dumistansya.

Pero paglisan pala ang iyong pasya.

 

Sinubukang mapag isa at umasa.

Na isang araw na tayo’y muling magiging isa.

Buwan na ang ibinibilang ngunit wala pa sya.

Ako na mismo ang magpapasya.

Ngayon paghihirap ay tatapusin na.

Sisimulan sa pagwawakas o

wakasan ng isang bagong simula.

 

Pasasalamat nalang sa ngayon magagawa.

kahit pagasasama ay di nag bunga.

Babaunin ang mga alala

maging ito may sa lungkot at saya.

Na isang araw pag tayo’y nagkita

di ako magaalinlangan na tignan ka sa mata.

At lahat ng nangyari’y nakalimutan na.

 

At ngayon na sa atin ay magwawakas.

sisimulan na ang bagong landas

Baon parin ang nakalipas

gabay para kahit papaano ay ligtas.

Sisimulan sa pagwawakas o

wakasan ng isang bagong simula.

Ako’y muling magmamahal at

sana siya na ang simula at wakas.

Exit mobile version