Sayo Ako pero sa Kanya Ka

Nagkakilala tayo sa maling pagkakataon

Naglalakbay tayo sa maling direksyon
Sabi ko mamahalin ko ‘to ng walang rason
at aalagaan ko ‘to habang panahon.
Sabi ko, sayo ako palagi
Sabi ko, ikaw lang ang minimithi
Makasama hanggang sa huli
pero hindi pala kita pagmamay ari.
Pagmamay ari ka ng iba
Hindi ka sakin, sa kanya ka.
Hindi ako ang babaeng nauna
Pero mamahalin ka ng buong pagpapahalaga.
Wala man akong papel sa buhay mo
Pero isusulat ko sa puso mo
Pagmamahal ko sayo ang tanging laban ko
Kahit hanggang sa dulo ng mundo..
Exit mobile version