Mahirap man para sa ating dalawa,
Na mapalayo tayo sa isa’t isa
Na minsan lang magkita
At hindi tayo gaanong nagkakasama.
Masaya na akong nakakausap ka
Kahit nasa malayo ka
At sobrang namimiss kita
Na halos gusto na kitang makasama.
At dahil alam kong nag-aaral ka,
Kaya naman hihintayin kita kahit matagal pa.
Alam kong babalik ka,
Kaya sa pagbalik mo’y tayo’y makasama na.
Sasalubungin ka,
Upang mahagkan ka
At magkasama tayong dalawa
Sa bawat oras nating natitira.