Itatago o aaminin yung hulog ko sayong damdamin
hihinga ng malalim
bibilang ng isa,dalawa,tatlo
Sabay bulong sa hangin at bigla na din mananalangin na sana kahit katiting eh may pag tingin ka din sa akin 
Kaya hanggayon gulong-gulo pa din ako
Kung pababayaan na lang ba at di na aamin o itataya ang pagkakaibigan natin
Papalipadin na lang ba tong damdamin? o susubok para umamin 
Sa bawat indak mo at ngiti iba na ang dulot nito sa akin
bolta-boltaheng kuryente ang bigay nito sa akin
Ikaw nga lang nga ata ang nakikita ko buong araw 
at halos pwede ka nang matunaw sa paulit-ulit ko na pagtanaw sa mata mo at ngiti 
Kaso sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti mo na siya ang dahilan
nasasabi ko sa sarili ko ng paulit-ulit,

Gusto kong umamin pero alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin.