Siya o Ako

Siya o Ako?

by: Jorevie Duero

Hindi ko alam kung saan o kailan o papano nagsimula ang lahat. Sa simpleng hi at hello ba niya o sa pag iinarte ko. Basta ang alam ko, may siya at ako. 

Masaya naman kami kahit na nagsimula kami na parang aso’t at pusa. Ang pangit naman kasi ng first meeting namin. Nabangga niya ako habang kumakain ng ice cream kaya naman nadumihan ang damit ko. Galit ako sa kanya noon pero nagsorry naman siya agad. Simula sa araw na yun, hindi niya na ako tinigilan. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya pero siya, pwede na siyang magsulat ng bibliography ko. Paano ba naman kasi, nag-aala Boy Abunda siya sa mga kaibigan ko. Tanungin ba naman lahat tungkol sa akin!

May salamin, kulot ang buhok at medyo kapos ako sa height. Siguro noong nagpaulan ng kagandahan ang Diyos ay naglalaway pa ako sa unan ko. Pero okay lang, may ipagmamalaki naman ako pagdating sa academics. Siya? Maputi, matangkad at gwapo. Kung anong ikunulang ko sa pisikal na anyo ay siya namang kinayaman niya. Sabi nga nila “we can’t have it all”. Medyo kagilid siya sa academics. Nakatawa dahil totoo nga pala talaga ang opposites do attract. 

Sa simpleng hi at hello niya sa text niya nakuha ang atensyon ko. Nakakainis nga kasi ayaw niyang tumigil sa kakatx kahit hindi naman ako nag re-reply. Minsan pa nga ay tumatawag siya. Sabagay mayaman naman talaga siya at alam naman natin na pag ang lalake pumapapel o may pinipormahan, nagiging billionaire pagdating sa load. Isang haha lang ang naging unang reply ko sa kanya hanggang sa naging kumusta ka na, okay lang ako, salamat at mahal kita. 

Ang saya lang ng mundo ko nung naging kami. Sinong mag aakala na ang babaeng tulad ko ay magiging girlfriend niya? Gwapo siya at sikat sa campus tapos ako, isang nobody na nerd. Ilang beses ko na siyang tinanggihan dahil feeling ko hindi talaga kami bagay pero ang lakas talaga ng fighting spirit niya. Hindi niya ako tinantanan hangga’t hindi ko siya sinasagot. Maraming naging alinlangan, mga balakid at kung ano ano pang problema ang pinagdaanan namin sa unang dalawang taon namin. Pero hindi kami nagpatinag. Sa loob kasi ng dalawang taon na yun ay maraming nagbago sa akin, sa kanya- sa amin. Nagpa straight ako ng buhok dahil gusto kong maging mas bagay pa sa kanya. Hindi naman siya nagalit dahil alam kong supportive siya. Nagsikap din siya sa mga academic subjects niya. Hindi pa nakontento at pumasok pa siya sa varsity ng basketball. Ang galing lang talaga dahil Valedictorian ako at Salutatorian  siya nung grumaduate kami ng high school. Hindi maipagkakaila na high school is the best years of your student life. Napatunayan namin yan. Ang dami kasi naming nabago at naexperience over high school. 

Fourth year college kami nang nagkaroon ng malaking pagtatalo. Graduating kasi ako. Financial Management ang course ko at Architecture ang sa kanya. Okay naman nung una pero ng dahil sa pressure at long distance relationship, biglang naging malabo ang lahat. Bigla nalang naging malamig ang lahat. Buti pa nga yung peach mango pie sa Jollibee, hot ang filling pero yung sa amin, colder than the icebergs ang feelings. Hindi na siya tumatawag dahil busy siya at busy rin ako. Well, hindi naman masyadong demanding ang course ko compared sa kanya pero okay lang kasi running for Cum Laude ako at malaki ang possibility na maging Magna Cum Laude siya. Oh diba, baliktad na ang mundo. Hindi ako nagalit at hindi ako magagalit kasi his success is also mine. Team kasi kami.

Christmas break ng 2014 nang iniwan na niya lang ako bigla. Hindi ko alam kung saan, kailan o papano nagsimula ang lahat. Sa “mahal kita” ko o sa “mas mahal ko siya” niya. Ang alam ko lang, wala nang siya at ako. 

Sinong bang dapat sisihin? 

Ako ba na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya at pabayaan siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay? Alam kong gustong gusto niyang maging Architect kaya hinahayaan ko lang siyang magpaka busy sa mga projects niya. Ayaw ko kasing maging isang malaking hadlang sa pagtupad niya sa mga pangarap niya kaya hinahayaan ko lang siyang maging busy ng wala ako kasi akala ko yun ang gusto niya. Mali pala ako. At alam ko na in the end, his success will also be my success. 

O siya na naging masaya kasama ng iba habang wala ako. Yung mga panahon palang inakala kong busy siya sa mga projects at requirements niya ay naging mas busy na pala siya sa ibang bagay- sa ibang babae. Habang nirerespeto ko ang mga desisyon niya, dahil na sa ayaw kong maging hadlang sa pangarap niya, unti unti na pala niyang inaabuso ang respeto ko. Kasama ng pagtitiwa at magmahahal na ininvest ko. Naging abala na pala sa pagtupad ng pangarap niya- pangarap na kumawala sa akin at maging masaya sa piling ng iba. 

Nagmahal ako. 

Nagmahal din siya. 

Nagtiwala ako. 

Nagtiwala din siya. 

Nasaktan ako. 

Naging masaya siya. 

Sa nangyari ba sa amin, sino bang dapat sisihin? Siya o ako? 

Exit mobile version