Ayaw ko na eh. Dapat. Sa totoo lang nakakainis na.
Pero kasi… Ibang lalaki dapat kasama ko pagpeperya, tropa ko dapat, kaso sya yung in the end eh nakasama ko, pinuntahan pa ko mismo sa bahay, anong naisip nung batang yun. mejo awkward kasi alam mo na, pabebe ako at nahihiya pa sa kanya, kasi nga ano.. kuwan.. basta… we didn’t talk a lot, we didn’t even laugh with each other, ni hindi nga ako humawak sa kanya nung nakaangkas ako sa motor sa kanya. pero binilhan nya ko ng icecream, ang hirap ubusin kasi anlaki, pero inubos ko kasi bili nya, kahit nagtutulo na. haaay.. pero ano ba to! Gusto ko yung feeling na basta kasama ko sya, na basta malapit sya sakin, na basta nakikita ko sya, damnit!
Naiinis na ko. pag uwi ko sa bahay di ko maalis yung ngiti ko? simpleng bagay yung nangyari, ni hindi nga ako nakapagrides para kumabog yung dibdib ko ng ganito. pero tae! kinilig na agad don? eh sa kanya nga wala lang yun. lahat. wala lang. ako lang naman kasi yung nagkakaganito kaya nakakainis.. nakakainis. Hindi pa naman ako magaling sa Taguan ng Feelings, I’m too transparent for that game. BAKIT HINDI KO AMININ? alam nya yun, halata naman siguro. BAKIT HINDI KO SYA TANUNGIN? Ayaw ko ng magpaulit-ulit, masakit kasing marinig sa kanya na Hindi pa sya ready. ako? ayoko ng i push sarili ko sa kanya kasi Hindi Ako Yun! We may like each other, but i know he doesn’t like me that much as i like him…. Wag daw magmamadali. Kaya jam, tiisin mo muna yung kirot. ha. kirot kasi hindi mo maexpress yung overflowing feelings mo for him. Tanga mo eh. Ituring mo na lang kasi syang friend. as friend na lang. wag mo ng lagyan ng feeling. Magkaamnesia ka at kalimutan mo yang nararamdaman mo. Be a ROCK. Keep your heart safe. keep it calm. Goodluck!