Hey, 2 years na pala mula ng naging close tayo. I just want to thank you for all the things na pinakita at pinaramdam mo sakin. Naramdaman kong babae din pala ako, na pwede pa lang may mag-care sa akin, na pwede pa lang may maghahatid-sundo sa akin sa bahay at sa office, bibigyan ng mga gifts and doing extra mile just to make me happy. Nag-go with the flow ako, akala ko kasi may patutunguhan ang lahat ng expectations ko from you. You can call me “assumera” and let me call you “pa-fall”. May hope on my end, kasi “akala” ko hindi matatapos ang lahat ng ginagawa mo sakin. I started praying for you, asking God to make things clear between us. Ayaw ko kasing umasa sa wala. Ayaw ko rin mag-initiate ng conversation “about us” kasi ayaw ko ng bumalik sa “dating” ako. I would always tell God na ikaw dapat ang kumilos at kausapin ako kung ano ba talaga tayo. Lalo pang lumalim ang prayers ko sayo when I received a “YES” from God sa prayer mountain (Peniel). I was crying and praying to God that time, then the Pastor came to me encouraging me with all the promises of God, then I asked God sa isip ko lang “Lord sya na ba talaga? Sya na ba talaga Lord?” then the Pastor said “Yes, it’s a YES from God.” Without even hearing kung ano ang tinanong ko kay Lord. Hindi pa nag-sink in sa akin ang mga nangyari that time, kasama rin pala kita sa prayer mountain, hindi ko alam ano ang dapat kong maramdaman at kung ano ang dapat kong isipin. The following days and months are a battle for me… battle of the mind almost everyday, every hour naiisip ko yung nangyari sa Peniel. I prayed a lot for you and for me. Mas lalo akong umasa. Mas lalong lumalim yung hope ko at expectations. Little did I know, I’m doing it in the wrong way. One prayer meeting, God spoke to me regarding sa na-share ng Pastor natin sa church. Heto ang question na pumasok sa isip ko “Am I just seeking God because of the promise?” “Am I just praying to Him because of the YES, I received?” “Am I too focus on those things, rather than fixing my eyes on Jesus?” then I cried, kasi totoo. Ang sakit. Kasi alam kong nasaktan ko si Lord, masyado akong nagfocus sa promises, at hindi dun sa “magbibigay ng promise”. Hindi naging fruitful ang paghihintay ko sayo, dahil sa mga maling kilos ko. Naging bitter ako, naging insecure ako sa mga taong nakapaligid sayo lalo na sa mga close mong girls, lumala ang pagiging over-thinker ko lalo na nung natigil ang lahat… Oo, diba natigil na lahat? Yung paguusap natin, yung paghatid sundo mo sakin, wala nga rin akong gift nung birthday ko… nag-iba na nga lahat… nagbago na lahat… iniisip ko kasi ayaw mo na ng ma-issue, I got that. I totally understand that. Pero doon na lang ba matatapos ang lahat? Ni hindi mo na nga ako pinapansin eh. Nakakatawa kasi dito na ata matatapos ang lahat. The more na nakikilala kita, the more na nakikita ko ugali mo, the more I prayed to God na alisin ka na sa buhay ko, kasi pakiramdam ko na parang hindi naman ikaw and you’re just part of God’s plan in my life, tapos papasok sa isip ko yung nangyari sa Peniel,yung YES na nareceived ko… hindi ko alam kung totoo ba o hindi yung narinig ko eh. Nagdoubt ako, kasi in present reality walang nangyayari, ayun ang mali ko gusto ko kasi may mangyari agad, na umaksyon agad si Lord. Pero hindi ko alam, God is molding me to the woman that He wants me to be. That on this season of preparation, may pain, may hardships, may trials, pero God will used those things to make me stronger everyday. Pinakita ni Lord kung papano ba dapat maghintay at magmahal. Then everything has changed, the way I think, my perspective…everything. Then I stopped praying for you as the man I thought God is preparing for me.