Paalam;
Hanggang sa muling pagkikita.
Nawa’y ikaw ay masaya;
Sana naging sapat na siya.
Maraming salamat sa oras na inalay;
Para sa tulad kong walang kamalay malay.
Na nahulog na pala ang loob ko sa iyo;
Pero tila ba tinatago ko ito.
Baka kasi iba ang tingin mo;
Baka nag assume lang ako.
Na ganun din ang tingin mo sa isang tulad ko;
Mahalin mo rin kaya ako?
Hanggang saan ba aabot ang tulang ito?
Alam ko namang hindi aabot sayo ito.
Sana pasayahin mo na siya.
Sana wag mo nang sayangin pa.
Nasayang kita;
Alam ko yan.
Minahal kita;
Pero sadyang hanggang paghanga nalang pala.