“Saan ka?”
“Sa bahay.”
“Usap tayo?”
“Sige.”
“Saan kita puntahan?”
“Dito.”
“Sige po.”
“Sige.”
“Papunta na.” “Dito na ko.”
…
“Itigil na kaya natin ‘to?” tanong mo.
Nagulat ako nang lumabas ang mga katagang yan sa labi mo.
Napakadalang mo na ngang magsalita ganyan pa mariririnig ko.
“Bakit?” yan nalang ang nasabi ko.
Hindi ko alam kung saan ka nang gagaling, bakit biglang ganito?
“Pakiramdam ko ‘di ka naman masaya sakin.” Sagot mo.
Napapangiti nalang ako habang pinipigil ang mga luha sa pag tulo.
Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?
“Paano mo na sabi?” tanong ko.
‘Kumain ka ng gabi’ yan dapat ang isusunod ko, kaso mukha kang seryoso.
“Pakiramdam ko lang.” sabi mo.
‘Then you’re not feeling well’ sana ang isasagot ko sa’yo.
Kaso mas pinili ko nalang manahimik at umupo sa tabi mo.
Matagal din tayong na upo lang doon.
Walang nag sasalita satin noon.
Nagpapakiramdaman pa, parang ganon,
Kung sino bang una sating lilingon.
“Itigil na ba natin?” ako na naman ang nagtanong sa pagkakataong ‘to.
Nilakasan ang loob na basagin ang katahimikang ito.
“Oo.” sabay tayo at alis sa tabi ko ang tanging naging sagot mo.
Pagkatapos noo’y wala na kong narinig pa mula sayo.
Ngayon napagtanto kong wala na talaga ‘to at iniwan mo na nga ako.
Umalis na rin pala ako sa pwesto ko pero umaasa pa rin akong babalik ka dito.
Naka open parin sakin ang chat box mo.
Iniisip kung kelan ulit mangyayari ang huling mga kataga mo…
“Papunta na.” at “Dito na ko.”
Pinatunayan mo ngang ito’y totoo, na kadalasan ang kasunod nito’y negatibo.
Na dapat ngang ihanda ang puso sa dalawang salitang “USAP TAYO.”
-JulaissABNOY©️