Tsokolate

Isang umagang kay ganda,
Ako ay napahinto at napatulala.
Napa-isip ng mabilisan,
At pilit na inaalala,
Kung kanino galing ang nakita ko sa aking lamesa.
Sa totoo lang wala akong ibang naisip,
Kundi, IKAW lang at wala ng iba.

Nagmadali akong buksan ang aking bag upang kunin ang susing magiging daan para mabuksan at makuha ko ang aking laptop.
Ngunit kahit saang parte ng bag ko ay hindi ko mahanap.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na lumapit sa’yo
Huminga ng malalim at nag-isip,
Ano kaya ang pwede kong itanong sa kanya?
Sir, sayo ba galing yung chocolate?
O pwede rin namang…
Sir, pwede bang makahiram ng susi?
Susubukan ko lang buksan ang drawer ko kahit hindi sila magka-match.
Naiwan ko kasi susi ko.

Actually, hindi na ko nakapili kung ano ang dapat kung sabihin. Anoman ang masabi ko yun na siguro ang dapat na marinig mo.

Lumakas ang loub,
naglakad ng dahan-dahan papa-lapit sayo,
sabay katok sa isang lamesang malapit sa daanan at humingi ng atensiyon mong panandalian lamang.

Pagkarating ko sa tabi mo,
Gusto ko ng umalis agad sa tabi mo lalo na nung sinabi mo, “kung nakita ko na yung tsokolateng nasa lamesa ko”.
Nagulat ako sa narinig ko, hindi ko expected na bibigyan mo ko.Baka kasi nagbibiro ka lang at ako ang napag-tripan.Haha!

Hindi pa buo ang kwento pero mukang naibuod ko ang laman ng istorya ko.
Maiksi lang toh pero sana na-enjoy mo ang sulat ko para sayo.

Inspired by YOU ♥

Exit mobile version