Alalahanin ang noon.
Nung una kaming naging best friend sa ilalim ng ulan.
Kung saan una kong naramdaman. Pagibig na ayokong pakawalan.
Ngunit sa isang idlap, naturang nakaraan.
Nakaraang nawala sa kawalan.
Sa lungkot at sakit na gusto ko ng makawala.
Na sana hindi na lang pala naramdaman.
Naramdaman na panandalian lamang.
Ngunit ang ilusyon ng walang katapusan.
Sa aking puso ay pumisan.
Akala ko ikaw na.
Ang aking huli’t una.
Hindi pala
Hindi pala
Hindi pala ako ang gusto mong makasama. Mga pangako naten sa isa’t isa. Naglaho na parang bula. Akala ko tayo na talaga. Akala ko lang pala.
Puso ko’y nagdurusa.
Yun pala’y durog na.
Sa pag-ibig na pinagpakasasa.
Sa mga bagay na yun pala’y maling akala.
Mga bagay na sa ula’y nagsimula.
Ngayon sa ulan lang rin ay nakatala
At matatapos sa ilalim ng ulan. Sasambitin sa akin ang salitang PAALAM.
Minsan sumagi sa isip ko.
Minahal mo ba talaga ko?
O talagang kaibigan lang ang turing mo?