Nanaman!

Ito nanaman ang mga nangyayari
Muling atang mawawari
Ang pagibig na aking natamnan
Sa mga panahon na kailangan

Ako nanaman ba ang bubuwag
Mga kamalian kong di maluwag
Sorry nanaman aking sinta
Alam kong ako sa lahat ay may sala

Di kasi ako tunay na makapili
Kung ikaw ba o ang mga hinahalili
Aking tunay nga bang pagibig
O mga taong iniibig

Di ko na alam kung anong gagawin
Ano ba ang aking nararapat sabihin
Ako’y ngayon ay nahahati, nadudurog, nababasag
Dahil pareho ko kayong gustong kuhanin at pagisahin

Aking naiisip tuwing gabi
Maari na lamang bang ako’y mamatay
Na pareho kayong iniibig
Sa aking puso ay natararik

Ayon ko ng magsuot pa ng maskara
Ako’y tunay ng nasasaktan
Dahil tunay ngang Mahal kita
Oo, mahal kita… Mahal na mahal kita.

Pero Mahal ko din sila
Dahil para na Silang pamilya
At handa akong magdusa
Para sayo at sakanila

Ngunit maari bang ngayon
Ako’y mamatay para sa inyong dalawa
Mahal na mahal kita
Ngunit Mahal ko din sila

Ikaw na nandun sa aking kalungkutan

At sila na ako din ay tinulungan
Ano ba kasi ang aking problema?
Bakit ba kasi di ko kaya?
Di ko kayang sirain akong pangako
Kaya di ko na alam kung ako pa ba’y sa iyo
Dahil dalawa kayo
Ikaw na mahal ko at sila na mahal ko
Ang aking klase at pagibig
At ikaw na tinitibok ng aking puso
Exit mobile version