Buhay nga ay sadyang mapaglaro
Dahil ikaw at ako ay pinagtagpo
Nagsimula sa konting asaran
At sa mga birong madalas pagtawanan

Nagsimulang lumalim ang nararamdaman
Ng hindi ko man lang inaasahan
Pero wala ka pading napapansin
Kahit napapadalas ang pasimpleng tingin

Pero ako’y nasaktan ng aking malaman
Na ikaw ay may ibang nagugustuhan
Pagkagusto ay pinilit kong ilayo
Ngunit pagseselos ay di ko maitago

Sarili’y di mapigilang ikumpara
Sa taong nagugustuhan mo talaga
Di maitanggi na mahal na nga kita
Kahit alam kong may mahal kanang iba