singkwenta
Categories Poetry

singkwenta

hagip sa malayo
tuwa ng mga tao
hindi maipinta
galak sa mga mukha

nagdalawang isip
ng sa mata’y nahagip
di ko yata kakayanin
ngunit pipilitin

tayo’y sumakay
sabay nginig ng kamay
walang kasiguraduhan
nagbaka sakali nalang

nang ang makina ay umugong
nagulat at unti unting gumulong
umangat ng marahan
at paa koy di na maramdaman

ngiti sa mukha abot gang tenga
kislap ng mata kumikinang parang tala
kinakabahan man ngunit masaya
natatakot man ikaw naman ang kasama

dumating sa tugatog
puso’y di mapigilan ang kabog
tumigil yata ang orasan
bat diko mapigilan katabi koy titigan

nasa langit na ba ako?
ganto kasi palagi pag magkatabi ikaw at ako
kung panaginip man ito wag muna sanang magising
pero tanda ko mulat ang aking mata ibig sabihin ba natupad ang aking hiling

unang beses mo pala itong sinubok
ni walang bahid sayong mukha ng takot
paghanga sayoy wala nang hanggan
parang lahat ng bagay kaya mong panindigan

nang biglaa’y humaruruot pababa
nagising ang tulala kong diwa
hinaing ng puso kong tila sa lupa ang bagsak
sinalo mo at marahang hawak

paikot ikot, paikot ikot
hanggang pagtigil din ang inabot
balisa, hilo at tila matutumba
sa kabila nito, ang unang nasa isip ay kung nasaan ka

ganito pala ang mabihag sayong mga mata
napakahiwaga nakakatakot at masaya
pinaikot ikot ang aking mundo
sakay uli tayo sa mahiwagang tsubibo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *