Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Madayang Tadhana
Nung isang araw iniisip mo puro positibo;
sa isang iglap, naging negatibo.

Madayang Tadhana
Yung mga ngiti na nabuo sa umaga,
napalitan ng mga tulo ng luha.

Madayang Tadhana
Yung pusong nagkaroon ng buhay, muling nabuo;
sa di inaasahan biglang nagkulay abo.

Madayang Tadhana
Yung akala mong kaligayahan na walang hanggan;
sa isang iglap, nagkaroon agad ng katapusan.

Madayang Tadhana
Yung payag ka sanang sumugal, kaya mo sana ipaglaban,
ngunit alam mong wala kang laban sa nakaraan.

Akala mo lang pala lahat.
Dahil tulad ng iyong panaginip, isa lang pala ulit
itong bagong bangungot.

Pero wag kang mag alala
dahil gaano man kadaya ang tadhana,

Sa bawat araw ng iyong paghikbi,
siguradong kapalit din nito ay pag ngiti.

At sa iyong muling pag-ngiti,
tiyak na may puso ulit na mabibighani. ❤

Send me the best BW Tampal!

* indicates required