tapos na nga naman ang undas pero bakit ganito? minumulto nanaman ako ng mga alaala mo. sobrang nakakatakot. akala ko nga wala na akong nararamdaman sa iyo eh. kasi nung mga huling araw at linggo, parang wala nalang. wala nalang akong nararamdaman? siguro ganoon nga. pero ngayon, bumabalik nanaman. siguro nga bumabalik kasi nga may bago ka na. humapdi ng kaunti 'tong lamat sa puso ko. kumirot-kirot. ang sakit pa rin pala. oo sakit. sakit. kaso, kinakailangan kong kalimutan itong sakit na nararamdaman ko. kinakailangan ko magpakatatag. kinakailangan ko kalimutan ka at tanggapin na, wala na nga pala talaga. hindi na muling babalik. ngunit itong mga memorya mong nakaukit na sa aking isipan, tila a kay hirap kalimutan. oo ang hirap. sobrang hirap. sana nga magising ako na hindi na iniinda itong sakit na ito. yung sakit na para bang hindi matapos-tapos. hindi ko na kasi alam ang gagawin eh. kaya heto nanaman ako. katulad ng dati. parang nawalan bigla ng direksyon sa buhay. parang nawawala nanaman. parang may hinahanap ngunit hindi na muling masisilayan pa. ilang gabi akong nagdasal na sana makahanap ako ng direksyon muli. direksyon sapagkat ayoko na ng tulad ng dati. nagpakain ako sa lungkot ngunit nangangamba ako ngayon sapagkat baka nga ito nanaman ang kahahantungan ko. aaminin ko, ilang bote ang aking hinalikan at ilang sigarilyo ang aking hinithitan, para lang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman. ngunit mas mahirap pala dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pala matanggap ang paglisan mo. mas mahirap na walang makakapagpaalis ng sakit na ito. masakit kasi hanggang ngayon, ikaw pa rin pala. ngunit mas masakit dahil hindi na ako, ngunit sya na. tapos na ang undas, ngunit andito pa rin ang multo ng nakaraan na patuloy ang pagsulyap at pagyakap sa akin. ayoko na maramdaman, dahil mas lalo lang kikirot ang bawat pagtibok ng puso ko.