Pinipilit kong alamin kung saan ako nagkamali,
Kung saan ako nagkulang,
May mga dapat ba akong punan na mga puwang?
O tama lang na ako’y saktan dahil hindi naman ako kalaban-laban?
Mga tanong na ni isa, walang sumagot,
Ginawa ko naman lahat pero ba’t hindi pa rin sapat?
Sapat na mahalin mong tunay,
Sapat na bigyang buhay ang puso mong namatay.
Ilang ibon na ang lumipad,
Ilang ulap na rin ang dumaan,
Ilang sikat ng araw na ang dumampi sa aking mga balat,
Ilang tanong pa ba ang gusto mong marinig, para lang malaman mo na minahal kita na sa inaakala mo, wala.
Kay tagal kong hinintay ang mga tawag mo,
Pagrireply sa mga mensahe ko sayo,
Pero sa dinadami ng tanong at sinabi ko, isa lang yung sayo,
Sinabi mong hindi mo alam kung bakit pero alam mong tama tong gagawin mo,
At doon tumigil ang mundo ko.
Hindi sa dahil, mapapalitan na rin ang pagmamahal ko,
Kundi, tapusin kung ano man ang meron tayo.
Masakit.
Dinudurog ang puso ko nang paulit-ulit.
Walang laban kung umagos ang luha,
At walang pahinga ang utak sa kakaisip.
Kakaisip kung saan nga ba?
Saang parte ka nagsawa,
Saang lugar ba dapat ako pumunta,
Saang bagay ba ang hindi ko nagawa?
Wala.
Ni isa wala akong sinabi.
Hinayaan lang kitang lumayo.
Masakit pero dapat na’kong bumitaw,
Sa mga pangakong napako,
At sa mga bawat salitang akala ko’y totoo.
Hinayaan kita.
At umalis ka nang kusa.
Tama na.
Ako’y pagod na rin sa kakahabol na baka pwede pa.
Kasi alam ko naman,
Na ang laban na para sating dalawa,
Ay nilaban ko lang mag-isa.