PRINSESA

Pangarap ng bawat isang babae na maging prinsesa; na maituring na isa. Malayo sa mga taong nananakit sa kanila. Sa masamang madrasta. Naghihintay sa kanyang prinsipe upang sagipin siya. Ngunit, ang mga yan ay hindi totoo at kathang-isip lamang. Dahil sa reyalidad, hindi mo naman kailangan ng madrasta upang pasakitan ka. Sa totoo nga ang prinsipeng inaasahan mo ang siya pang magiging pahirap sa buhay mo. Siya, oo, yang prinsipeng pinapangarap mo sakay ng isang karwahe ng pangako. Ang gusto mo lang dalhin ka sa isang kastilyo ngunit iba itong prinsipe mo hindi lang daw sa kastilyo dadalhin ngunit sa langit din.
O, kay sarap pakinggan. Dadalhin ka daw niya sa langit ng kasiyahan. Ngunit kailan pa nagkaroon ng shortcut patungong langit ang kwarto nyang jowa mong pangit? Kastilyo ang hanap mo ngunit bakit ka sumama sa dyan sa pulang gusali na yan? Ayan ka na naman nagpapadala sa matatamis na salita nya. Sabi niya ipapakilala ka niya sa magulang niya ngunit pagdating mo sa kanila siya lang mag-isa. Nakalimutan mo ulila na nga pala siya. Hala ka! Na-galawang breezy ka! Bakit ka pa kasi nagpadala at hinayaang ipatikim niya sayo ang higit pa sa tamis ng unang halik? Hindi mo ba alam na ang sobrang matamis ay nakaka-dyabetis? Yan tuloy ang tagal mag-hilom ng sugat sa puso mo at namanas pa yang tiyan mo. Gusto mo talagang lagi kang sunod sa uso eh no? Nauso lang pagiging batang ina nagpabuntis ka na? Alam mo ba na kapag nanganak ka na eh hindi mo na makakamit yung pangarap mong maging prinsesa? Dahil buong buhay mo iikot nalang sa MiniMe mo. Swerte mo nalang kung pananagutan ka ng prinsipe mo kuno. Kaya girl, isip-isip muna.
Wag papadala sa sweet messages nila. Baka mamaya GM yan pala. Yari na, isang football team pala kayong prinsesa niya. Pagka-nakuha ka na niya, iiwanan ka na. Pag nagka-anomalya, kasalanan mo pa. Kasi naka shorts ka tsaka sando diba? Anong gusto nila mag-baro’t saya ka? Mala Maria Clara? Haler! 2000’s na. Uso na yung mga crop top tsaka pantalon na butas-butas. Kinakapos na kasi tayo sa tela. Tsaka DUH! Kung ganun ba suot mo papansinin ka ba ng mga yan? Nakooooo! Wag silang ano. Subukan kaya muna nilang magpaka-Crisostomo Ibarra. Hindi porket naka short shorts ka, dapat binabastos ka na. Bakit? Diba pag hindi ka sunod sa uso aayawan at babastusin ka pa rin nila? Igagalang ka nila? Hindi rin. So be the best you! Oo, alam natin na natural sa kanila yung matukso, pero sana intindihin din nila na yun kasi ang uso.
At ikaw namang, prinsipeng kuno ka, wag mo kong paandaran ng mga rason mong ganyan. Eh, para ka namang hidden Tesla, magpapakita ka lang pag may titirahin ka na. Tigil-tigilan mo, uh? Pagka-V pa ang babae pipilitin mong makauna, kasi ano? Achievement para sayo yun? Tapos? Kiss and tell. Pagyayabang mo sa mga tropa mo. Kala mo kinagwapo mo? Pag naman may nauna na, iisipin mo, pwede na mapagtatyagaan na. Madali nalang magparaos kasi hindi na pwedeng tumanggi wala na kasing mawawala. Tas pag tumanggi susumbatan mo pa? Sasabihin mo kung hindi siya nagpatira sa iba sana nirerespeto mo siya? Utot mo! Kung hindi pa yan natitikman ng iba magkukumahig kang makuha yan diba? Wushuuuu! Wag kami please? Try mo magpakatino, hindi nakakamatay.
Kaya girls remember, huwag mong hahayaang babuyin ka lang kasi nga Prinsesa ka. And Baby Girl you’re a PRINCESS, act like one. May tamang oras para sa lahat ng bagay. At lahat ng bagay makapagiintay, kung hindi siya makapag-hintay then hindi kayo bagay. Marami kang pwede pang makilala, bata ka pa, mag enjoy ka muna, wag kang magmadali, hindi ka mauubusan, walang term na LOVE SHORTAGE.
Pero seriously, every girl is a princess and should be treated as one. Don’t let a Prince go between your tights unless mapatunayan niya that he is the one. Tip: Malalaman mong siya na yung the one pag… Pag… Loading… Error404: The One not found. E, hindi ko talaga alam kung paano mo malalaman e. But I have my own idea. Maybe, just maybe. If he has the key. Anong susi? Yung wedding ring. WEDDING RING. Hindi engagement ring; hindi promise ring; lalong hindi couple ring. Maybe he’s your Prince kung papakasalan ka niya. But I’m not saying na pag nagpakasal kayo he’s the one na talaga. Na kayo na talaga. Basta, hindi naman forever ang topic ko dito kundi ang pagiging Prinsesa.
Para sakin, mararamdaman mong isa kang totoong prinsesa pag hinarap ka na niya sa Hari. Sa KING OF KINGS. Typical fairytale, Prince in his suit, Princess in her gown at ang hindi lagi nabibigyang halaga, the King in his crown. Mga etchuserang froglets. Fairy Godmothers. Red carpet. Kingdom. Ball. Diba wedding yun? So yeah! For me, every girl is a Princess but you’ll only be a real Princess once you get married. But kahit na nag-kamali ka man o hindi mo mahanap yung the one mo, okay lang yan Baby Girl.

You don’t have to worry, with or without a Prince, you’re still a Princess because your eternal identity is a Daughter of the King of Kings.

JulaissABNOY 

 

PS: Wala naman po akong pinaglalaban dito. Wala lang talaga akong magawa kaya kung ano-anong lumalabas sa isip ko. Actually talumpati dapat to sa Retorika namin nung 1st sem, ewan ko kung anong nagyari. XD Parang hindi naman siya talumpati. Hahaha. Hayssss. Sorry kung medyo conyo (taglish) lakangpake! 😛 Yun lang, Chiao!
CREDITS: Dun sa mga quotes na nabasa ko somewhere.
Published
Categorized as Waiting

By Lai

PLAIN ABNORMAL ☺

Exit mobile version