An open letter: Para sa taong kasama kong bumuo ng pangarap

Alam kong dalawang taon nang mahigit ang lumipas. Sana masaya ka sa naging desisyon mo. Sana, unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo; mga pangarap mo na unti-unti nating binuo.
Naaalala mo ba nung tayo pa? Nung mga panahong umiiyak ka saakin dahil ang liit-liit na ng tingin mo sa sarili mo dahil pakiramdam mo wala nang magiging direksyon ang buhay mo? Nung niyakap kita at pinagdasal kita na balang araw makukuha mo ang pangarap mong trabaho, na magkakaroon ka ng sarili mong bahay at sasakyan, na darating ang araw na magsasalita ka sa entablado at magbabalik tanaw sa kung paano natin ipinagdasal at iniiyak ang lahat ng ito sa Diyos.. na kasama mo pa din ako sa lahat ng tagumpay mo.

Masaya ako para sayo sa kung sino at anong meron ka ngayon. Pero sana man lang, tuparin mo ang lahat ng mga pangarap na binuo natin kahit hindi na ako ang kasama mo para sulit naman ang lahat ng luhang tumulo para sayo. Para sulit naman ang pagtalikod ko sa sarili kong mga pangarap para suportahan ka. Para sulit naman lahat ng sakit makita ko lang na masaya ka.

Pero huwag kang mag-alala dahil unti-unti na akong nakaka-bangon sa pagkaka-lugmok ko, unti-unti nang binubuo ang mga pangarap na binalewala para sayo. Gusto ko lamang sabihin sayo sa huling pagkakataon: pinapatawad na kita.

By J

I'm the kind of person who likes to overthink everything.

Exit mobile version