For that one in summer

I’ll be hating summer for the meantime, titiisin ko yung lamig ng amihan na dala neto this days hanggat kaya ko. Iisipin ko nalang na pampalamig din ito ng ulo, pampakalma ng mga feels na di ko dapat agad naramdaman.

I’ll be hating summer for the meantime, kasi pinagod ko yung sarili ko na hanapin ka sa mga araw na dapat sana sa magulang at kaibigan ko muna hinanap. Ewan ko kung anung magic meron ka pero pucha, nadale mo ako- sobra!

I’ll be hating summer for the meantime kasi akala ko marunong na ako. Na di na ako masasaktan ulit. Na kapag sumubok akong maging matapang, sasaya na ako. Di pala ganun yun. Aanhin mo yung tapang kung mawawala naman siya ng walang paalam. Paano mo naman aawayin yung nag ala multo na di ba?

I’ll be hating summer for the meantime kasi tinuruan niya akong umasa. Na lahat ng pagpupuyat ay may bunga. Yung pag adjust sa time zones na tinulog ko nalang sana. Edi wala sanang puyat na broken di ba?

I’ll be hating summer for the meantime kasi di ko na maririnig yung paliwanag mo (if ever there is) dahil pinutol ko na yung connections natin sa isa’t isa. Aaminin ko may onting sisi ako dito pero naman kasi ayoko na maging talunan hanggang huli.

I’ll be hating summer for the meantime kasi dun kita binalikan ng ilang ulit pero ilang beses mo din akong binigyan ng lito at sakit.

I’ll be hating summer for the meantime kasi naiinis pa ako sa lessons na binigay neto. Kasi hanggang ngayon nagi-guilty ako. Ikaw naman kasi nauna, pina solid ko lang lalo para walang balikan. Ayan mukhang di ka na nga babalik. Kainis di ba?

I’ll be hating summer for the meantime. Ganun muna hanggang sa di na ako mase-senti kapag naaalala ka. I’ll hate it till the hate doesn’t hurt anymore.

Tatapangan ko pa lalo, kala mo. I’ll be hating summer for the meantime till summer loves me back the way I deserved to be love.

Leave a comment

Exit mobile version