Ipaglalaban Nyo Parin Ba Kahit Mali Na

Ang panahon na gusto nyo lang sana ay maging masaya at ito’y wag bigyan ng malisya tila nahuhulog na, nahuhulog na sa isang sitwasyon na magiging mali na sa mata ng iba. Subalit, Di ba sa una palang alam nyo na, na ang ginagawa nyo ay mali na? Pero bakit nga ba pinag patuloy pa gayon ito’y maaring mag pabihag sa isat-isa.

Noong una’y malinaw sa inyong isipan na gusto nyo lang maging mag kaibigan, isang kaibigan na kabiruan, kaasaran, kasamang kumain kapag nasa galaan at kausap sa oras ng kalungkutan. Ngunit bakit tila nag bago na, ang dati’y malinaw naging malabo na, ang dating nais mong kaibigan lamang ay nais mo nang mas higit pa. Pero paano nga ba? kung ang isa ay pag aari na ng iba? Ipaglalaban nyo ba ang nadarama ng bawat isa o kakalimutan nyo na dahil ito ang tama para sa mata ng iba.

Exit mobile version