Nagmahal, Nasaktan, By faith maniniwala!

Nagmahal, nasaktan at minsan ng nakasakit ng paulit-ulit.

Habang tumatanda tayo maraming mga taong dumadating, tumatambay ng saglit at bigla na lang umaalis sa buhay natin. Pero minsan aminin din natin na minsan din tayong nang-iwan at nakasakit ng iba ng di sinasadya, at minsan sinadya.

Iba gumanti ang tadhana, tahimik mong puso kakatukin nalang bigla, bubulagain ka sa pananaw na handa ka ng magmahal ulit. Aakalain mo sya na nga, yung tipong nasa kanya na lahat ng pinagdadasal mo. Maniniwala ka na sya na yung tinadhana sayo ng Diyos. Bigla syang susulpot sa isip mo na nakangiti. Bigla mong maiisip na sya na nga. Hanggang sa magiipon ka ng lakas ng loob para masabi mong sya na yung matagal mong inaantay, yung babaeng pinagdasal ko ng kay tagal. Yung inipon mong mga salita, lakas ng loob na hindi mo alam san nagmula, sasagutin nya sa apat na salita. HINDI PA AKO HANDA.

Sa tagal mo sa mundo, hindi mo aakalain na yung taong aakalain mong sya na nga, sya yung pinaka makakasakit sayo ng hindi nya sadya. Bakit nga ba ganun magmahal kung sino pa yung minahal mo ng wagas sya yung wawasak sa ngiti mo ng wagas. Masama bang maniwala kung ang nagsabi ng sya na nga at ang iyong paniniwala.

Pipilitin mong kalimutan, pipilitin mong iwasan, ngunit babalik ng sya padin ang isisigaw ng puso mong nagaalingaw ngaw na ang pangalan lang nya ang sinisigaw. Hanggang sa duamting sa puntong sya na mismo ang magbibigay sayo ng pananaw na please lang ikaw na ang umayaw.

Mahirap bang unawain din minsan, pinipilit ka naming kalimutan, pero sa huli ang pinipili ko parin at ikaw. Umaasa na kahit sa isang pursyento ng pag-asa, yung relasyon na umaasa maaring sa huli at maramdaman din nating dalawa.

Madalas, inilalaban natin ang isang bagay, hannggang  meron kapang kakapitan, hanggang sa may bumubulong pa sayo na laban. Kahit ako man minsan hinihiling ko na gumising na sayo at wala ng maramdaman pero masasabi mo bang karupukan kung sa huli ang pinipili parin at ikaw. Kahit na Nagmahal, nasasaktan at aasa ng paulit-ulit

 

Exit mobile version