You broke me and i’m still hoping that one day you’ll fix me. You broke me and I said sorry.
Nagmumukha na talaga akong tanga kakahintay sa wala. Wala na ba talaga? Bakit nasasaktan ka parin? Nasasaktan ka ba dahil pinili mo siya? Nasasaktan ka ba dahil sa ginawa mo? Nasasaktan ka ba dahil naintindihan mo na kung ano ba talaga nararamdaman ko? Nasasaktan ka ba dahil napansin mo na ko pero nasaktan mo ulit ako? Bakit ka ba umiiyak? Bakit kailangan mo pang umiyak? Gagaan ba pakiramdam mo pag tuluyang bumitaw at nawala na ko? Gagaan ba pakiramdam mo pag tumigil na talaga ako? Alam ko nagpapakasaya ka, nag iinom palage at di ko na alam yung ibang nangyayari. Masaya ka ba talaga? Mas masaya bang gawin ang mga bagay pag kasama siya? Mahal mo ba talaga siya? O nademonyo ka lang kaya mo yun nagawa? Mahal ka ba talaga niya? Bakit nagtake advantage siya nung alam niyang sawi ka? Di ka man lang niyang hinintay maka-recover bago niya yun ginawa. Ganun ba yung masaya? Bakit ba kita pinapahirapan pa? Bakit ba di nalang ako tumigil tutal malaya kana?
Hindi ko kayang pabayaan ka nalang ng ganun bigla. Hinding-hindi ko kayang ikaw ay tuluyan na mawala. Sobrang makasarili ako hindi ko iniisip kung liligaya ka ba sa ginagawa mo. Pero sabi nga ng magulang mo. Kung mahalaga talaga sayo ang tao pagsasabihan mo kahit pa masaktan to. Ganun kita kamahal bee. Di ka ba nagtataka na kahit sobrang sakit na ng iyong ginawa eh andito parin akong nagpapakatanga? Ganun ang pagmamahal na totoo. Ganun ang pagmamahal na kaya kong ibigay sayo. Kaya kong patawarin lahat ng pagkakamali mo. Kaya kong tanggapin lahat ng sakit na to. Matupad lang ang pangako ko sa mga magulang mo na hindi ako susuko.
Umaasa parin ako na maayos mo ko. Umaasa parin akong maayos natin to. Sa ngayon eh naliligaw na ulit ako. Nawalan na ko ulit ng motivation at inspirasyon. Di ko alam kung paano babangon ulit sa pagkabagsak kong to. Odiba, haha nakakatawa lang. Ako tong push ng push sayo na ayusin mo pag aaral at sarili mo. Pero di ko mai-apply sa sarili ko. Alam mo ba nung tuesday eh tuwang tuwa akong mag exam nun. Kase ang sweet mo, ang lambing mo at masaya ang boses mo. Di ko lang alam na ganun pala ang ginawa mo. Bakit ba tayo ganito. Lage mong sinasabing masasaktan lang ako. Bakit di mo nalang baguhin yung masasaktan at palitan nalang ng maging masaya ka lang?
Kunwari ganto ha. Inaayos ko na sarili ko maging masaya ka lang. Binabago ko na lahat ng maling ginagawa ko maging masaya ka lang? Kahit hindi na para sakin pala. Kahit para sa mga magulang mo man lang o kaya para sa sarili mo man lang. Yung tipong ginagawa ko to para maging masaya ang mga magulang ko. Ginagawa ko tong mga to para maging totoong masaya ang sarili ko.
Hindi ko na alam ibig sabihin ng happiness. Ngumingiti at tumatawa ako paminsan minsan pero hindi ko na ramdam ang saya. Tipong ngumingiti ka kahit hindi ka masaya. Huwag lang maapektuhan ang mga taong nasa palagid mo. Nakakahawa ang saya, pero mas nakakahawa ang lungkot. Bihira na din akong tumambay sa nava. Masaya kase yung lugar na yun, hindi pa ako para sa lugar na yun. Ayokong masira mood nila dahil sa lungkot ko. Malungkot ako kase hinili mo ko ng palapit sa puso mo tapos bigla mo nalang ako pinagtabuyan palayo.
Hindi ko na alam ang totoo sa hindi. Hindi ko na alam kung ano ba ang tama para sayo at mali. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Nakalimutan ko na ulit kung ano ba talaga ako. Kung bakit ba ako nandito. Basta ang tanging naaalala ko eh yung mga salitang binitawan natin nung panahong totoo ang pagmamahalan natin. Sobrang baliw na ba ko? Masisisi mo ba ko? Ang hirap lang kaseng tanggapin ang lahat kaya ayokong tumigil na ipaglaban ang lahat. Ang hirap tanggapin na hindi na tayo tulad ng dati.
Wala nang tayo tulad ng dati. Wala na ang mga plano natin. Wala na ang mga pangarap natin. Wala na ang saya na pinaghatian natin. Wala na ang pagmamahal mo na dati’y nasa akin. Wala na ang ngiti mong para sa akin. Wala na ang puso mong dati’y sa akin. Pero ginigising parin ako ng katotohanan. Na kung mahal mo eh ipaglaban mo. Hangga’t nararamdaman kong may konti pang pagmamahal diyan sa puso mo. Lalaban ako. Ipaglalaban ko tong pag ibig ko. Kahit magmukha na kong katanga tanga, okay lang. Maipakita ko lang sayo kung gaano ka kahalaga. Nung araw na sinira mo ko, nag sorry ako. Hindi ko kayang magalit sayo. Niyakap lang kita at ibinulong sayo na, “mahal parin kita at nandito lang ako para sayo.” Kaya umaasa parin akong ayusin mo ko, kahit ikaw pa ang sumira sa pagkatao ko.