Our Little World

Alam mo bang masaya ako ngayon?
Para ang mundo sa aki’y sumasang-ayon.
Ikaw lang naman ang laman ng isip ko,
At puso ko ay iyong nasagip.
Ikaw lang nakakaintindi sa akin,
Sinagot talaga ang aking Panalangin.
Salamat dumating ka sa buhay ko,
Hindi ito matutumbasan ng kahit ano.
Naaalala ko pa nga,
Una tayong nagkita.
Ako’y natulala sa iyong mukha,
Parang pangarap ko’y aking lahat nakuha.
Ngumiti ka sa akin,
Feeling ko ikaw ay mapapasakin.
Ang yabang ko sa isip ko,
Pero ako’y naiwan pagtalikod mo.
Simula noon, ikaw ay lagi ng hinahanap,
Sarap sa pakiramdam ‘pag ika’y nahanap.
Kinukumpleto mo ang araw ko,
Ito sana’y alam mo.

Last day na ng pasukan,
Di tayo magkikita sa loob ng dalawang buwan.
Pero isip ko ay may nasagip,
Paano kaya pag ika’y aking ligawan?
Tumayo ako sa aking kinauupuan,
Hinanap ka ng mga mata ko kung saan-saan.
Tumakbo ako kahit saan,
Kahit ang sakit sa paa,
Masabi ko lang sayo na mahal na talaga kita.
At sa ilalim ng punong mangga,
Ikaw ay naroon pala.
“YES!” biglang may sumigaw,
Siya na pala ang makakasama mo hanggang sa paglubog ng araw.
Niyakap mo siya ng mahigpit,
At ang puso ko ay parang naipit.
Ako’y umalis ng dahan-dahan,
Ang lungkot ng aking paglisan.
Ang bagal ko kasi sa pagtakbo,
Naunahan na pala talaga ako.
Natapos ang dalawang buwang bakasyon,
Di ko alam kung ano ang magiging ekspresyon.
Magkikita na naman tayong muli,
At ito ako, di na lalapit sayo.
Dami kong ginawa para ika’y makalimutan,
Ang sarap suntukin ng puso ko,
Dahil hanggang ngayon ikaw ang laman.
First day of school.
Sa di inaasahan tayo’y nagkabanggaan,
Anim na Segundo tayo’y nagkatinginan.
Ngumiti ka sa akin,
Naalala ko ang unang ngiting binigay mo,
Noong tayo’y unang nagkita.                              
Binilisan ko ang aking paglakad,
Ikaw ay aking iniwan.
Nakadama ako ng konsensya,
Di man lang pala ako sayo humingi ng pasensya.
Hinintay kita sa harap ng roon niyo,
Nanlalamig ang mga kamy habang kita’y hinihintay.
Bigla kang lumabas,
At ang bilis ng iyong paglakad.
Sinundan kita kahit pagod na ako,
Pero napa isip na baka badtrip ‘to.
At sa ilalim ng punong manga,
Kung saan ko kaya nakita,
Ikaw ay umupo at umiyak.
Nilapitan kita agad,
At ika’y niyakap.
Di ko alam kung bakit,
Pero ang bilis ng pangyayari.
Bigla mong inangat ang ulo mo,
At ako’y biglang tumayo.
Tumayo ka din at tumingin sa akin,
Ika’y ngumiti at humagulhol ng hikbi.
May iba na pala siya, sambit mo,
Hindi siya para sayo, sabi ko.
Di kita pinagsalita pa,
Tinakpan ko ang mga labi mo,
At hinigpitan ang pagkayakap sayo.

Limang taon ang lumipas,
Pero ang ganda mo’y di pa rin kumukupas.
Magkasama pa rin tayo hanggang kolehiyo,
At magtatapos na rin natin ating mga kurso.
Ang saya-saya ko,
Sabay tayong magtatapos, Mahal ko.
Sa mga nagdaang taong dumaan,
Puso ko ay ikaw pa rin ang laman.
Ang saya-saya natin,
Lalo na ng makamit ko ang YES mo.
Minsan away-bati tayo,
Di pa rin maglalaho pagmamahal ko sayo.
Salamat sa pag-suporta sa lahat ng gusto ko,
Wag mong kakalimutan na nandito ako para sayo.
May aalis at dadating,
Pero ako? Mananatiling sayo.
Kahit na sa ating maliit na mundo,
Masayang magmamahal ang puso ko,
Dahil ikaw ang dahilan ng pagtibok nito.









 

Published
Categorized as Poetry

By Toyang

sumulat kahit tulog. kaya mo yun?

Exit mobile version