ULAN

Kumukulog

Umuulan

Palakas ng palakas

Bumubuhos –

Katulad ng nararamdaman.

Ito ay sumasabay.

Mga luha ay sumasabay-

Sa malakas na pagpatak ng ulan.

 

Mga hikbi ay umiingay-

Katulad ng kumukulog na kalangitan.

Mga luha ay palakas ng palakas.

Kailan ba ito titigil?

Kailan ba ito huhupa?

Sa ganun gusto ko nang-

Kumawala sa masalimuot na pangyayari.

 

Umiiyak

Humihikbi

Humahagolhol

Naalala na naman ang-

Masakit na nakaraan.

 

Ang masalimuot na pag-iwan

Sa gitna ng daan.

Habang umiiyak-

Ito ay umuulan.

By Deborah Shane

Beautiful Mess

Exit mobile version